Martes, Oktubre 4, 2011

SOMEONE LIKE WHO

Okay medyo matagal akong di nakapagsulat. I was busy this past week. Anyway, I recorded a song na na-LSS lang kami bilang paulit-ulit naming kinakanta sa bay. Actually, matagal ko nang alam itong Someone Like You ni Adele at itong version pa ito ang napanood ko performed live in her home. During those times medyo magulung-magulo pa ang mundo ko and I wanted to post it on my FB wall pero masyado siyang malungkot at kapag malungkot ako ayokong makinig ng mga ganyang song unless gusto kong magpakalungkot haha.


2009 we discovered Adele sa youtube, di pa siya masyadong sikat, I think kakapanalo palang niya sa Grammy's noon and we downloaded her songs sa album na 19 from youtube. Naalala ko pa, bibilhan pa dapat si Kids ng album niya from London at dahil di pa available dito noon pero hindi natuloy dahil sa mga dahilan na kami nalang ang nakakaalam. Hanggang sa sumikat ng sumikat si Adele coz she's really good. Yesterday, nagkukwentuhan kami ng isang friend sabi niya nakapanood siya ng interview ni Adele about Lady Gaga at ang sabi daw ni Adele "She likes watching Lady Gaga perform and she admits di niya kaya ang ginagawa ni Lady Gaga but all she can do is make good music." Of course hindi ganyan ang pagkakasabi niya siguro bilang hindi siya marunong magtagalog haha, pero yan ang gist ng interview. Tama naman, dahil she really makes great music at totoong music para sa mga nakakaalam ng "true music".


Sabi nila pagnarinig mo ang mga kanta ni Adele, after nun gusto mo na mag-suicide lalo na pag-broken hearted ka dahil ang mga kanta niya tungkol sa mga past relationships niya, yung isa dahil ipinagpalit siya sa iba at yung isa pa dahil lang they fell out of love at yun. Talagang may pinaghugutan kaya talagang tagos sa kalooblooban ng lamang loob pag narinig mo lalo na pagkinanta mo pa. Ganun daw kasi ang mga may passion sa pagkanta, parang umaarte, ninanamnam ang kanta habang kinakanta para daw maibigay mo ang true meaning ng kanta sa mga makikinig. Kesa sa for the sake lang na maka-kanta.


Nung ni-record ko itong Someone Like You, hindi ko alam kung nararamdaman ko siya, pero bilang dala lang ng-LSS at gusto ko lang siyang kantahin, kinanta ko. Pero nung pinakikinggan ko na bigla akong nalungkot. Nalungkot ako sa sarili kong kanta hahaha. Naalala ko yung feeling nung una ko siyang narinig. Yun na!


Balik sa timeline na yun, akala ko kasi nahanap ko na siya. Kahit malabo pa sa papel de hapon ang lugar naming dalawa, feeling namin para kami sa isa't-isa pero feeling lang pala namin. Anak ng pating!


Ewan ko pero I've been to different types of relationships at marami naman akong natutunan. Isa na don ang pagiging CYNICAL. Manhid na ata ako ngayon. Tulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi, mabilis kasi akong madala at mabilis akong magsawa. Sa tao, sa ginagawa, sa gamit, sa buhay at sa kung anu-ano pa. Baliw kasi ako... sa lahat ng bagay. Minsan pati sarili ko hindi ko matagalan. Kaya nga naisip ko, ayoko ng kaparehas ko dahil kung sarili ko di ko matagalan pano pa kaya kung katulad ko pa ang magiging partner ko. Ang gulo nun malamang.


Pero ewan ko din, pinipilit ng universe na i-convince ako, malay mo umubra naman. Pero dahil sa cynical na nga ako sa maraming bagay hindi ko na alam. Dahil lahat ng tao iba't-iba ang intensyon. Manggamit? ewan ko. Mabuti? ewan ko din.


Hindi sa nagmamalinis ako, pero alam ko kasi ang intensyon ko sa lahat ng ginagawa at sinasabi ko. Kaya kong manakit, kaya kong mag-uplift ng pagkatao, I'm sweet sa lahat ng bagay and I'm a monster sa lahat din ng bagay. At madalas wala akong pakealam. Ni-re-raise ko kung anong dapat i-raise, kaya madaming sumasaksak sa likod ko at kung palito lang ako, matagal na kong abo sa dami ng gustong sumindi sa'kin. Teka bakit palito? (eh ang taba ko?) Oh well, salbahe ako samakatuwid at alam ko naman yun. (Paulit-ulit ko namang sinasabi to!) Pero mabait naman ako paggusto kong maging mabait hehe.


Magulo lang talaga ko mag-isip at madalas akong mag-analyze ng tao pagwala akong magawa. Kung papano kumilos, magsalita at makisama. Minsan deeper pa, kaya kahit iba ang ibinubuka ng bibig nila minsan alam kong binobola lang ako, o ewan ko, baka siraulo lang talaga ko. Cynical nga eh!!!


Noong bata pa ko, medyo madami akong dalang krayola at kinukulayan ko lahat ng ginagawa ng iba - Feeling ko kasi kahit 27 ako, sobrang tanda ko na. Mid-life na nga ko kasi feeling ko hanggang 50 lang ako - Pero ngayon na matanda na ko, marunong na kong tumancha. Huwag mo daw lagyan ng kulay ang coloring book ng iba. Pagnakisuyong kulayan, ayun sige kulayan mo, pero huwag kang umasa na kapag medyo maganda-ganda ang pagkakakulay mo eh paghiningi mo eh ibibigay sa'yo! Aba, abusado ka na nun. Marami akong kilalang ganito. Marunong kasi akong magdrawing pero pagdating sa kulayan, bagsak ako diyan. Minsan kahit na kinukulayan na ng iba, ako? deadma! Cynical nga eh!!!


Natatandaan ko sabi ng isang Ex ko, yun daw ang pangit sa ugali ko (kahit alam kong pangit talaga ugali ko) wala daw akong pakealam. Deadma kung deadma! Natawa ko kasi hindi ko alam na deadma ako hahaha kasi nga wala akong pakealam hahaha ang gulo na!!!! wahahaha!


Nagsimula naman lahat ng ito nung ipinangako ko sa sarili ko na "Janey wala kang aasahan iba kundi sarili mo!" tama naman. Natuto akong tumayo sa sarili kong paa at mabuhay ng mag-isa. Malungkot minsan pero pasasaan ba eh makukuha ko rin ang HAPPINESS na sinasabi ng iba pero ayokong umasa na malapit na dahil hindi ako magaling maghintay. Ako nga palagi hinihintay dahil late ako palagi haha. Pwes, dadating din yan sabi din nila. Kung kelan? ewan ko, pag-andyan na, andyan na. So for now, deadma!


Kaya nga SOMEONE LIKE WHO, kasi hanggang ngayon di ko pa rin alam kung sino ang mahiwagang YOU na 'yan. Hahaha.


Pagdumating balitaan ko kayo. Pero sa ngayon bumalik muna kayo sa mga ginagawa niyo. Busy din ako, marami pa kong pupuntahan. At tsaka naghahanap pa ko ng mabibilhan ng magandang buhay haha. Mahirap-hirap hanapin 'to kaya baka mainip kayo. Inom muna kayo ng kape o kaya basa muna kayo ng dyaryo, atupagin niyo muna ang sarili niyong kahon bago kayo makialam ng ibang kahon. Akin to eh! :)))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento