Miyerkules, Oktubre 12, 2011

SPACESHIP

Dapat kanina pa ko pumasok sa trabaho pero andito parin ako sa bahay. Matapos ang banda-rito-banda-roon record trip, eto... nandito pa rin ako sa upuan, hindi na sa couch kundi dito naman sa dining. Nakatitig sa monitor, antok pero ayoko naman matulog. Nakailang yosi na rin ako. Nag-iisip, walang katapusan.


1. SANA BATA NA LANG ULIT AKO - Ang sarap kasi ng walang iniisip. May nag-aasikaso ng lahat para sa iyo. Hindi mo kailangan isipin ang kuryente, ang renta, ang tubig, ang kakainin mo sa isang araw, ang pamasahe, pang-gas kung may sasakyan ka. Ano ba? Mag-aaral ka lang at susundin mo lang ang mga magulang mo, ayos na.


2. SANA NAG-ASAWA AKO NG MAAGA? - Naiisip ko ito palagi, kung nakapag-asawa kaya ako ng maaga, masaya kaya ako? Kuntento kaya ako sa pamilya ko at nag-aalaga ng mga anak at nag-aasikaso ng kabiyak?. Kahit nanaginip ako na buntis ako, never pa ko nanaginip na may asawa ko.  Dahil galing ako sa isang broken family, takot ako sa pamilya. At naisip ko noon, wag nalang mag-asawa. Para saan? Nung ginawa ba ni Lord si Adan at si Eba, pinakasal niya ba? Meron ba siyang ginawang testamento na pinapirmahan sa dalawa? Bat wala silang apelyido? Oo nga, bat walang mga apelyido ang mga tao noon, si Moses? si Abraham, Si Cain at Abel. Galing sila sa mga angkan, pero hindi naman sila binigyan ng apelyido, si Jesus nga walang apelyido. Wala naisip ko lang. Kung saan-saan na ko napupunta.


3. SANA NANDITO PA SI MAMA - Kung buhay pa ang Mom ko, malamang hindi ako ganito. Responsable naman ako sa sarili ko, dahil kung hindi, matagal na kong napariwara, pero iba lang kung nandito ang nanay ko. Mas responsable siguro ako, dahil lahat ng ginagawa ko may pinatutunguhan. Well, hindi naman sa wala ngayon pero, iba din kasi kung sarili mo lang iniisip mo. Wala masyadong pressure ika nga. Bukod sa mga pansariling gastusin, wala na. Sa future? di ko alam. Mas tumitingin kasi ako sa Now, dahil ito ang meron ako NGAYON. Kasi baka wala na ko bukas, sayang lang.


4. SANA NAG-PILOTO AKO - Gusto kong lumipad. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana ibon nalang ako dahil imposible naman, pero sana nag-piloto ako. Gusto ko lang lumipad. Sa mga panaginip ko palagi akong lumilipad, palagi at yung mga una, palaging mababa lang at hindi ko ma-kontrol pero ngayon, nakakalipad na talaga ko at mataas na. Ano kaya ibig sabihin nun? Basta, bat ba di ko to naisip nung kumuha ako ng kurso nung kolehiyo?


5. SANA MAYAMAN AKO - Ayokong magpaka-impokrita kung sasabihin kong mayaman naman ako sa pagmamahal at kaibigan. Salapi yan malamang, dahil siguro kung marami ako niyan, ang dami ko nang nagawa sa buhay ko. Marami akong gustong gawin kahit noon pa, maging Architect, Painter, Piloto, Doctor, Lawyer. Siguro kung hindi ako na-deprive sa salapi, nagawa ko lahat ng yan, pero hindi ko masabi, baka iba din ang epekto ng madaming pera, siguro hindi ako magsisikap sa trabaho ko tulad ngayon. Ewan ko!


6. SANA LALAKI NALANG AKO - Parang ang sarap lang maging lalaki. Alam ko palagi ako napagkakamalang tibo dahil wala akong ka-finesse-finesse sa katawan. Hindi kasi para sakin ang salitang yan, i find finesse, weak. Ako kasi kahit saan. Babae parin naman ako pero brusko sabi nga nila. Sporty sabi ng iba. Siguro dahil lang sa pangarap kong maging lalaki, kaya ako naging ganito kumilos. Pero hindi ko pinangarap maging tibo, ano ba naman?! Minsan lang para lang akong gentleman hahaha. Ang labo!


7. SANA PASKO NA - Kahit na hindi na ganoon kasaya ang pasko ko ngayon, gusto ko pa rin pasko, kasi parang ambait lang lahat ng tao pag-pasko. Biglang ang daming transformation, giving lahat... tapos naka-smile. Spirit of Christmas daw kasi, pero bakit kaya yung iba pag-pasko lang? Ano kaya yun. Teka, mabait ba ko pag-pasko? Hmmm. Well, gusto ko kasi lagpasan na ang birthday ko. I'll be turning 10,227 days old sa darating na birthday ko, ewan ko pero hindi lang katulad noon na masayang nagse-celebrate ng mga ganyan. Hindi ko na na-eenjoy yung mga ganyang araw. Another number lang naman ang dumagdag. Buti sana kung every birthday eh, may nagbabago, o kaya may natutupad sa mga isang milyong kahilingan ko, hindi materyal na bagay, dahil wala na ko masyadong interes sa mga ganyan. Matanda na ata talaga ako. Simpleng bagay nalang ang gusto ko, yung mga tipong maupo lang sa deck at tumitig sa sunset o sa dagat. Profound?! haha! Hindi ko alam, hindi naman sa kuntento na ko, pero sabi nga ni Steve Jobs, "Stay hungry, stay foolish" oo literal, hungry and foolish ako hahaha. Pero may mga pangarap pa naman ako at marami pa kong gustong maabot at mapuntahan at magawa. Pero mas masaya ako sa mga simple at maliliit na bagay. Hay nako ayoko na mag-explain, ang hirap.


8. SANA MAS MASIPAG PA 'KO -  sa pagtrim ng timbang, sa trabaho, sa paglilinis ng bahay, sa pag-eexercise, sa pagreresearch ng mga pagkaing matino. Alam ko sin ang Proscratination, pero ewan ko, nitong mga nakaraang araw, hindi ko din mapakilos ang sarili ko. Hindi dahil sa may bukas pa naman, pero dahil ayaw ko lang talagang kumilos. Hindi naman ako ganito, OC nga ako, pero pagiging OC din ata ito, OC sa pagiging tamad. 


Extreme katamaran, extreme, extreme, extreme. Bakit ba ko extreme? Ang dami-dami na namang tumatakbo sa isip ko ngayon. Isinusulat ko dahil ayokong mabaliw. Baka mapuno ng sobra ang utak ko at bigla nalang mag-crash parang FCP.


Sa kabila ng lahat ng SANA na yan, alam ko naman karamihan ay imposible nang mangyari. Maliban sa pasko at pagiging mas masipag. Palagi ko naman tinatanong ang sarili ko "Sa'n ka na ba papunta?" at madalas ang sagot ko "Hindi ko nga alam eh!".
Ang hirap lang kumuha ng direksyon, alam mo yun. Sa sobrang dami kong gustong gawin, nalilito na ako, at kahit maglista pa ko, feeling ko lalo lang akong malilito.


Huwag mo din isipin na wala na kong Diyos sa katawan. Dahil medyo mariing paratang iyan. I know my God at alam kong hindi na ko kasing high tulad noon sa kanya pero alam ko parin tumawag sa kanya. Pumapalya pero hindi ibig sabihin wala na. Siguro masyado lang akong takot na humarap ulit dahil sa mga nangyari nitong nakaraang taon at alam ko na ring kailangan ko nang bumalik dahil madalas nawawala ako sa landas. Pero puso at katawan ko 'to, alam ng Diyos kung anong nararamdaman ko, huwag kang manghusga dahil hindi mo ko kilala. Minsan nga iniisip ko sino ba ang may mas malaking kasalanan? Ang taong nagsimba at pagkalabas na pagkalabas ng simbahan eh nang-mata o ang taong galing ng palengke at natapon ang bitbit na gulay at napamura?


Wala sa wisyo, pero kung sa konteksto lang na ito, sino ba sa tingin mo? Hindi naman sa bilang ng pagsisimba tumitingin ang Diyos. Kahit umiyak-umiyak ka pa habang nagpe-praise and worship at umattend ka pa ng Dawn Watch tuwing wednesday ng madaling araw, kung hindi naman kayang panindigan ng isipan at puso mo ang pagiging isang Kristiyano mo paglabas mo sa mundo. Wala din.


Makasalanan ako. Pero ang panghuhusga na makasalanan ang iba? hindi ba kasalanan yun?


Ewan ko. Ang dami ko lang naiisip ngayon. Hindi si God ang kinukwestyon ko, kundi tao. Ako din, kinukwestyon ko ang sarili ko kung tao ba talaga ko? Feeling ko kasi alien ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento