Biyernes, Oktubre 7, 2011

MABABAW

Bihira na akong makipagkwentuhan sa iba bilang palagi naman ako mag-isa at pare-parehas lang din ang mga nakakasama ko. At hindi naman ako madalas din makipagkwentuhan ng tungkol sa buhay ko, dahil masyadong magulo at madrama at magulo at magulo pa haha. Bihira lang din kasi ang nagtatanong kaya bihira lang din ako sumagot. 


Naisip ko lang, sino lang ba ang mga nakakilala sa'kin? Bukod sa nag-iisang magulang ko na wala na? Konti lang.


Hindi naman ako pala-kaibigan, pero mukhang madami naman akong kaibigan. Kaunti lang din ang tumatagal. Madami naman akong kakilala, pero hindi kasi ako ma-close na tao. Mapili din kasi ako. Depende kung matino kausap, kung sa tingin ko makakasundo ko at puwedeng sumabay sa mga kabaliwan ko sa buhay. Sa pagkaka-tancha ko, madami naman na gusto akong kasama dahil masayahin naman ako. Masyado kasing madaming dapat isipin kaya daanin nalang sa tawa ang lahat. Pinoy nga talaga ako kung ganun. Kahit sa gitna ng limpak-limpak na problema eh nakukuha parin tumawa.


Kamamatay lang ni Steve Jobs at ang sabi nga niya "You can't connect the dots forward, you can only connect them looking backwards". Naisip ko ulit, pabalik naman ata ako palagi, hindi dahil sa past ako bumabase pero dahil sa lahat ng meron ako ngayon, ipinapasalamat ko lang sa kung ano ako dati. At di ko kinakalimutan ang dating ako at sa tingin ko naman kaunti lang ang ipinagbago ko. Paulit-ulit ko naman sinasabi, salbahe ako noon, salbahe pa rin ako ngayon. Ang hirap kasing maging mabait, kawawa palagi hahaha. Nakuha ko nang maging kawawa, at hindi ko sinasabing ayoko nang maging kawawa ngayon dahil minsan nararamdaman ko parin yun pero ayoko lang ng kinakawawa dahil nakaka-awa hahaha.


Noon tahimik ako, at hanggang ngayon naman eh gusto ko pa rin maging tahimik. Nakukuha ko lang mag-ingay dahil kailangan. Hindi ko naman din kailangan i-explain. Makulit ako, palatawa at natutunan ko ito para hindi maging miserable ang araw, sayang kasi. At masarap tumawa at masarap maging masaya kahit minsan hindi ka naman talaga masaya, pero masarap lang makakita ng masayahing tao. Minsan kahit hindi maganda o guapo basta mukhang masaya palagi parang nagta-transform na din ang itsura hehe. Kaya nga siguro madaming nai-in love sa mga komedyante dahil masaya, parang lahat ng lamang loob mo napapatawa. Iba lang ang nagagawa ng kasiyahan sa buhay, at alam niyo naman siguro yan. Dahil malamang naging masaya naman kayo at naranasan niyo naman matawa diba?


Anyway, nitong isang araw habang nakikipagkwentuhan ng tungkol sa hindi ko na matandaan at di ko din alam kung san nagmula pero napunta lang sa first impressions. Sabi nung kausap ko ang impression niya sa'kin "MABABAW" at sinundan pa "MABABAW NA TAO". Hindi ko lang alam kung papano ko sisimulan isipin kung pano naging mababaw. Dahil ba sa itsura ko? dahil mukha akong mahirap? dahil hindi ako nagsasalita? Hindi ko maisip kung papano naging mababaw.


Parang masyadong malalim lang ang pagkakasabi niya ng "Mababaw" at hanggang ngayon tuloy iniisip ko kung bakit? Mababaw siguro ang kaligayahan ko? dahil kahit pinaka-corny na joke eh natatawa ko? Pero bilang ang usapan eh first impression... paano mo masasabi sa isang tao na mukha siyang mababaw sa unang kita mo? Isa ba ito sa mga quick judgments? Dapat ba nag-i-english para masabing malalim? Dapat ba palaging nakatigerlook para magmukhang malalim? Dapat ba ang attire mo balon para mukhang malalim? Hindi ko maisip. O dahil siguro mababaw lang talaga ko kaya hindi ko na-gets?


Siguro unang beses lang ako naka-encounter ng taong nagsabi sa'kin na "Mababaw akong tao" at hanggang ngayon iniisip ko kung anong pumasok sa isip nun kung bakit nasabi niyang mababaw ako. Ano ba? ang babaw naman para isipin ko!


Natatawa lang ako sa sarili ko kasi parang hindi ko matanggap na mababaw ako while trying to connect MY dots backwards. Mababaw ba lahat ng napagdaanan ko para masabihan akong mababaw na tao?


O baka isa lang sa mga maling akala na dala lang ng quick judgment o baka tama din naman? First impression nga eh. Baka naman lumalim din pag tumagal-tagal?


Ewan ko. Mukha lang sigurong simple ang mga pangarap ko sa buhay, baka ganun kaya mababaw. O baka naman hindi ko lang alam, kamag-anak ko pala si Julius Babao. Yun!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento