Miyerkules, Setyembre 28, 2011

ANONG SCORE MO NGAYON?

Tuwing nagigising ako sa umaga, hapon, gabi, madaling araw o kahit anong oras at wala akong naririnig kundi katahimikan, nalulungkot ako. Seryoso! Parang blanko ang mundo, dumilat ka lang tapos alam mo lang "okay gising ka na!."


Kaninang ala-sais, tahimik nung nagising ako. Sa antok kasi nakatulog na naman ako sa sofa, hindi naman na bago pero iba lang dahil low-batt ang laptop at wala akong earphones na nakakabit sa tenga, hindi ko naiwang nakabukas ang TV. Pagdilat ko, nakapatay na ang ilaw at giniginaw ako, wala palang kumot at tahimik yun na nga....nalungkot ako.


Kaya ang unang-una kong ginawa, maghanap ng patutugtugin. The World as I see it default song.


Pero bago ako magsulat, naghanap ako ng ibang inspirasyon, para maiba naman ang umaga. Malapit na kong maumay sa The World as I see it.


At ito Anything You Want. Sarap sa tenga at ang gaan ng umaga. Parang ang sarap mag-umpisa hindi ba?


Ganyang ang buhay ko, hindi ko alam kung matatawag mong wirdo pero ewan ko. Alam ko marami akong pinagkaiba sa iba pero alam kong normal pa rin naman ako. Marami ding gustong nakikinig ng music sa umaga at may iba-iba ring dahilan, tulad mo... kung bakit? ikaw nalang ang nakakaalam nun. Ako? gusto ko lang lagyan ng theme ang araw ko. Hahaha. Parang pelikula, ganun. Tinitimpla mo ang mood sa pamamagitan ng music. Ganyan na ganyan, kaya ultimo pagtulog ko may scoring. Aba, hindi pwedeng hindi, kaya nga hindi tumatagal ang  mga earphones ko, dahil dumadating na lang sa punto na hindi ko naman na talaga naririnig yung tugtog dahil tulog na nga ko at umaabot pa sa puntong nasasakal-sakal na ko, ayos lang. Basta may tumutunog wala akong pakealam. Lilipas ang ilang buwan, kailangan ko na naman ng bagong earphones dahil sira na dahil nadadaganan ko sa pagtulog. Pero ganun parin, wala akong pakealam basta may tumutunog sa tenga ko.


Scoring habang naglalakad. Paborito ko yan. At dahil madalas wala akong pakealam sa ibang tao na kasabay ko maglakad, sa elevator, sa FX, sa taxi driver na madaldal, sa mahabang pila at sa kung saan-saan, ang earphones ko naka-plug lang sa tenga ko. Minsan nga hindi na tumutugtog nasa tenga ko pa rin, kaya minsan kala ko bingi ako, yun pala may nakapasak sa tenga ko hahahaha. Ayaw ko kasing naririnig ang ingay ng mundo. Ang mga maingay na mga bus at jeep, ang chismisan ng mga tao sa elevator, ang usapan at tawanan ng mga tao sa  FX, ang mga reklamo ng taxi drivers sa pagtaas ng gasolina pero ang pamasahe ganun parin, ang mga "tsK" ng mga may lakad pero mabagal ang usad ng pila. Pag may tumutunog sa tenga ko, akin lang ang mundo. Ang sarap walang istorbo, parang pelikula.


Nag-iiba iba din yan, depende sa mood ko. At dahil malapit na ang concert ni Jason Mraz dito sa Pilipinas. Ayan nagpapaka-adik ako sa mga kanta niya, ayokong mag-watermelon sa concert niya. Ang astig kaya na sinasabayan mo siya habang kumakanta. Hahaha. "Anything you want can be yours at anytime..." kung ito ang maririnig mo habang naglalakad, habang nasa elevator, habang nasa FX o taxi at nasa pila, ang ganda siguro ng ngiti mo, tama ba? Tulad ng mga panukala namin sa trabaho sa editing, i-set natin ang mood sa pamamagitan ng malupit na scoring :)


O siya... ikaw din set your mood, find a good song! Magandang umaga! :)))



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento