Biyernes, Oktubre 21, 2011

CRY JUST A LITTLE, LAUGH IN THE MIDDLE

Sa dami ng gusto kong gawin 'di ko alam kung ano uunahin ko.
Sa dami ng gusto kong maging, hindi ko na alam kung papaano iiwanan yung isa pang ako. At yung magiging ako pagkatapos nung isang pagiging ako.
Sa dami ng pumapasok sa isip ko, hindi ko na na-eentertain ang iba at natatabunan nalang tuloy. Natatapon na ang iba dahil sa kaapawan, yung iba nabubulok nalang dahil hindi ko na nabalikan.
Sa dami ng gusto kong sabihin, nakakalimutan ko na tuloy yung susunod ko pang gustong sabihin.
Sa dami nito eh paano pa ko titigil? Hindi ko din alam. Nalilito na naman ako.


It's either I slack too much or I work too much. Sana lang, palaging work ang too much at hindi pag-sa-slack. Kaya lang, nasa phase ata ako ng kabagalan ng ikot ng mundo. Kahit na madalas sinasabi ko na "ang bilis naman ng araw"... hindi ko naman nararamdaman na may pagbabago o masyado lang akong nakatuon sa sarili kong mundo kaya hindi ko na nakikita ang karumaldumal na mga pangyayari sa labas ng kahon ko.


Alam ko marami din naman na mga magagandang pangyayari, pero pangit man o maganda parehas lang naman ang reaksyon ko. Oo, ako na ang apathetic. Ang hirap lang mag-react, ang dami kasing alam sabihin ng iba... parang ako lang ngayon.


Hindi ko na din alam san huhugot ng inspirasyon. Tatlong buwan na kong hindi naglilinis ng bahay, buti nalang at  may mga kaibigan akong marunong magmalasakit at paminsan-minsan eh naiiba ang posisyon ng tambo dahil may nagwalis. Nagkakaron ng laman ang ref dahil may nag-go-grocery para sakin, dahil kung ako lang? mas pipiliin kong magmuni-muni kesa kumain. Hindi ko naman maintindihan bakit ang taba ko parin. Lakas daw kasing makataba ng stress. Hindi ko alam kung matatawag kong "tamad" ang sarili ko dahil alam ko namang hindi ako tamad. Sinasadya ko talagang hindi kumilos, para maiba naman. Mas gusto kong mag-isip habang nagyoyosi. Kahit na sinasabihan ko na ang sarili ko na tumigil na, dahil alam ko namang sobra na, hindi ko parin tinitigil. Ewan ko ba. Parang itong paulit-ulit na iniisip ko, gusto ko na tigilan pero 'di din naman ako humihinto. Ano ba?!!!!!!


After reading WHO MOVED MY CHEESE twice; kahit na nabasa ko na to 2 years ago. Iniisip ko, masyado na ata akong stuck sa kung saan man ako ngayon. Hindi daw ako maka-move on. Di naman dahil takot ako sa pagbabago pero ewan ko. Attached daw ako sa lahat ng bagay sa paligid ko, ang hirap lang iwan ng mga naging nakaraan. Bring on the drama, cmon! Sheeesh!


Madami na kong naging "activity" pero pagdating sa usapang "productivity?" parang ang tagal na nung huli kong na-feel na productive ako. Pa'no kasi nasa cycle na naman ako ng ka-ewanan at feeling ko eh paulit-ulit na naman ang ginagawa ko. Naka-loop na naman parang i-Tunes ko lang.


I do blogs because I can say everything and anything I want here. Release everything and then forget it after. Kung gusto ko balikan pwede namang i-click lang ulit. And each and every time, nakukuha ko pa rin ngitian ang mga bagay na naiisip ko dati. Baliw talaga ko mag-isip minsan. Pero totoo lang.


Gustuhin ko mang maging katulad ko ang lahat ng nasa paligid ko para lahat kasundo ko, hindi pwede. Malamang mag-aaway-away lahat ng tao dahil mainitin ang mga ulo. Pero masaya din siguro dahil tatawa kami ng tatawa lahat. Pero malamang mas magulo ang mundo, psycho-world panigurado.


Sa kabila ng lahat ng kabaliwan ko, marunong parin akong magpasalamat sa lahat ng bagay at tao sa buhay ko. Minsan nagpapasalamat ako dahil iba ako sa kanila, kahit na minsan nalulungkot din ako dahil iba ako. Ang labo! Pero hindi ba? kanya-kanya lang daw pananaw sa buhay 'yan. Kailangan nating malito paminsan-minsan para  matuto tayong maghanap at mag-analyze ng lahat ng bagay. Madalas, I lose my track pero the good thing is I still know how to find my way back. Yun naman ang importante, marunong kang bumalik, dahil kung hindi na, aba malala ka na talaga. At buti naman eh wala pa ko sa ganoong sitwasyon. Bukas makalawa iba na naman ang course ko. Marunong naman ako mag-adapt sa pagbabago. Tamad ako ngayon pero kung gugustuhin ko, kaya kong maging masipag ulit. At nararamdaman ko na malapit na ko magsawa sa ganitong sitwasyon. Malapit na akong magbago. Malapit na.


Gusto ko lang gawin lahat ng bagay na naiisip ko ngayon. Puntahan lahat ng gusto kong puntahan hangga't kaya ko pa. Sabi ng isa kong kaibigan, sa lahat ng mga pinag-gagawa ko sa buhay ko at lahat ng pinaggastusan ko sa mga pinuntahan ko - kahit na hindi naman ganun kadami -  matagal na dapat akong nakabili ng sarili kong sasakyan, oo kotse o bahay. Pero ewan ko, kahit na gusto ko, hindi ko pa rin makuhang bumili. Mas gusto kong ibyahe sa ibat-ibang lugar. Dahil lilipas ang mga buwan at mga taon at sa dami ng delubyong nangyayari sa mundo, malamang mawawala na lahat ng bagay na maganda sa mundo. At gusto kong makita ang mga ito, bago pa man gunawin ni Lord ang universe. Gusto kong hanapin ang lugar ko and by traveling, malay mo baka mahanap ko. :)))


Sa dami ng pwede pang mangyari, ang hirap maghintay. Pero makakarating din tayo lahat jan. Hintay lang, hintay lang... malapit na yan :)))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento