Sabado, Oktubre 29, 2011

I DO NOT END JOY

Today is  my 10,223rd day on earth. Sana araw nalang ang binibilang at hindi year. It's nice to reflect on the year that was pero wouldn't it be nicer kung ia-appreciate ang buhay through the times we have/had in a day? Everyday we change, minsan hindi lang natin napapansin. We change through the people we meet, the things we do or even what we think about. Sometimes a candy wrapper can change our perspective, a good movie can change our future, a simple chat with someone or madalas a simple smile can change our whole being.


Everytime I go online at maisipan i-browse ang mga past vids and records, bumabalik ako sa mga panahon na habang ginagawa ko yun and madalas feeling ko andun talaga ko, nararamdaman pa rin yung nararamdaman ko sa mismong moment na yun. Genuine happiness down to extreme sadness up to the point of super-duper craziness. Minsan natatawa ko kasi mukha pala ko tanga sa video na ito o sa record na yun at tinatanong ang sarili ko "what was i thinking?". I could go so, so crazy at nasabihan pa ko sa isang video ko na "nabuang na!" pero ang sarap isipin na may napatawa ako sa kabila ng lahat ng pag-kamukhang timang ko at kabaliwan. Palagi ko naman sinasabi "okay lang akong magmukhang tanga" at hindi ko naman ikinahihiya yun hahaha. Siyempre some people would hate you to pieces but who cares? Those are just words and thoughts na sa kalaunan ay makakalimutan mo rin na sinabi sa'yo at inisip sa'yo. There are so much in things in life na pwede i-celebrate and today I don't want to celebrate those bad things kahit na halloween na hehe.


I feel a lot older when I count my life through days. Parang ang dami lang masarap balikan at pwedeng i-celebrate araw-araw. Hindi mo kailangan maghintay ng another year para lang magkaroon ng babati o maghahanda ng masasarap na pagkain just to say na "Hey! It's your day today, Happy Birthday!" Gusto kong sabihin na, everyday I celebrate my life, hindi lang halata pero yes, I celebrate pain, frustration, new job, nice thoughts, people, friends, the work i accomplish, laughter, song, kahit pati ang peklat na nakukuha ko sa mga katangahan ko, adventures, places, pati ang mga napapanood ko sa HBO hahaha. Call me anything you want, tibo, mababaw, walang pakealam, grumpy, kalog, mataray, tabachoy, tamad, cute?! haha, brat, panget, cool, any names, it's me, in a day i could be any of those names but at the end of the day, before I sleep, I thank the Lord for making me such a wonderful-crazy-alien-person hahaha. Pag-naiisip ko na may napatawa ako or napa-smile man lang. Happy na ko. Pag-naiisip kong may natarayan na naman ako, I feel sorry. Pag-naiisip kong may natulungan ako, I feel blessed etcetera etcetera. Life is just like that. Random, hindi fixed, para hindi stagnant, para exciting, para may spice dahil kung hindi ganon, walang halaga, walang kulay, walang kwenta... tae kumbaga!


I maybe so emotional sometimes dahil sa mga milyong-milyong naiisip ko sa isang araw pero reflection lang iyon ng mga frustrations and dreams ko sa buhay. Parang pag-ihi at pag-tae lang, kailangan mong gawin dahil kung hindi mamatay ka. Tama naman diba? At ayokong mamatay kaya inilalabas ko, ayokong magka-UTI at bumaho ang hininga ko hahahaha.


Hindi man ako ganoon katino, well masasabi ko naman na masaya ang buhay ko. Dahil pinipili kong maging masaya. Minsan nga lang sobrang lungkot pero sakto lang para sa isang taong katulad ko na mag-isa at walang pamilya. I solve my problems with my own power and on my own terms, I ask for guidance from the One upstairs and I'm grateful coz He never let me lose my way kahit na kung saan-saan ako nagsusu-suot madalas. I'm proud of myself and what I have become kahit walang mga magulang. Drama!!!! nyahahaha.


I don't have to wear stilettos just to make me feel tall or make my feet look pretty. I don't have to wear pricey and fancy jewelries to make me look richer. Drive a nice car to make me cooler. Be with the most gorgeous and wealthy guy to make me a beauty queen or starve myself or go out in a skimpy outfit to make me look sexy.  I am not that kind of person. Yes, I have a Mac pero nagagamit ko for my racket and important things for my work and not so important things like social networks et al. With all the newest iOS and smartphones that are out, I still enjoy my i-Phone gen1 hahaha. I'm comfortable in jeans, shirt and chucks. I don't comb my hair, yes, I don't, obvious ba? hahaha. I smoke, yes I know it's bad, but you're not the one who's gonna die?! duh?! hahaha kidding. I put some make-up on but not religiously. I buy some expensive stuff because I need them and I want them nyahahaha. I spend money for my adventures and I don't need to explain this. I know how to celebrate my money's worth and that is 'Enjoying LIFE'. Period.


I don't sleep on time, because time does not exist hahahaha. I don't read "How-to's" sort of kind of books because I like figuring out things in me on my own. Feeling ko kasi masyado silang maimpluwensya at tinuturuan akong maging HINDI ako. Nakakatulong siguro sa iba, pero sa'kin parang nakakaligaw ng tunay na IKAW hahaha ang labo ko. Yes, I learn through other people's thoughts, other people's mistakes, other people's success, other people's problems because I like observing other people. I like reading people. They're gestures, how they talk, how they think, how they eat, how they laugh, how they feel about certain things. In that way, I feel closer to knowing them more and then see If I can be a friend to them or more. I speak to people and I look them in the eyes. Maganda, o masakit man ang sinasabi ko wala akong pakealam. I am mean, aminado naman ako. Not just to other mean people pero even to my closest friends. Pero kahit na madami na kong nasaktan sa katabilan ng dila ko at kasamaan ng ugali ko. I'm glad to know and to think that those people are still with me because no matter how hard I could be, they know that they're my friends and I likewise to them, salbaheng friend nga lang hahaha. I'm thankful kasi they see me true and they accept me despite of my occasional moodswings. :)))


Ergo, life with me is bumpy. I'm happy to see people taking that rough ride too, enjoying every single bittersweet taste of my nerve-racking/rocking attitude hahahahaha. Tinutulungan nila ko araw-araw para mahanap ang 'magandang buhay' na tinatamasa ng lahat ng nilalang. Sa mahigit na sampunglibong araw na nakita kong sumikat ang araw at lumubog ang buwan, bumagyo, lumindol, kainin man ng isang malaking dinosaur ang earth balang araw. Iisa lang ang buhay na ito, kaya hangga't busy pa yung dinosaur kainin ang ibang planeta, i-enjoy natin ang buhay kahit na sa gitna ng sakuna. Magpasalamat kasi buhay ka pa, kahit wala kang paa o hindi ka makakita. Okay lang ma-depress once in a while walang pipigil sa'yo basta siguraduhin mong hind ka magpapatalo sa binubulong ng lubid sa harap mo, wag mong gawing necklace dahil ang baduy niyan. Okay lang daw mamroblema sa pera dahil yung iba nga hindi pa nakakahawak ng 1000 pesos sa tana ng buhay nila kaya wag mong isiping swimming pool ang semento pagnasa 100th floor ka, kasi panigurado ang pangit mong patay niyan, basag-basag mukha mo.

Sa madaling salita, hindi matatakasan lahat ng nakakapagpabagabag sa'tin (ulitin mo nga yan ng 10X?! hahahaha) Isipin mo nalang birthday mo palagi para everyday may reason to celebrate. Ikaw ba? ilang libong araw na ba ang inilagi mo sa mundo? Tsk. Masyadong marami yan para itapon lang sa wala. Kaya, tara!!! Let's celebrate! Ako manonood ng concert ng isa pang crazy-adorable man mamaya.hoh my god! I'm super-duper excited!!! :)))


Happy longweekend para sa mga normal na tao, kami kasi walang ganyan-ganyan hehe.
Yun na! Magandang umaga bayan!!!



Martes, Oktubre 25, 2011

THE SOSYAL NETWORK


Excluded Middles
By AVERILL PIZARRO
October 26, 2011, 2:51am
I recently shut down my Facebook account. This is partly for pragmatic reasons: doing so has saved me a lot more time for work and leisure reading.
It is partly for security reasons: like most people, I live with an exaggerated sense of self-importance, and am in constant fear of creepy strangers looking at my bikini photos.
I do not regret it. Getting rid of my Facebook account has liberated me from the bondage of constantly keeping up with my peers. I no longer know where everyone else is going and with whom and what they are doing there, and I no longer feel bad or uncool about not being there too.
It has also saved me the trouble of trying to find good photos of myself to post, and evaluating my self-worth on the number of likes or comments that it gets, with extra credit if the comment or like is from a really good-looking guy.
I still have friends, still go out and have fun, and occasionally still meet good-looking guys, but I no longer make any public announcements of my activities after the fact. For the most part, life has been made much simpler.
I feel like I have become more myself.
One of my smart friends told me that the lightness I am experiencing is due to the fact that I’ve given up keeping up with our image-obsessed culture — this world we live in that is so saturated in external gestures, performance, branding.
Each gesture has a corresponding label: using an eco-bag makes you an environmentalist, quoting philosophers makes you an intellectual, having 3000 friends on Facebook makes you popular, and wearing a Louis Vuitton purse makes you sosyal (Is there an English equivalent that properly captures the essence of the word?) — even if it means, as the old saying goes, spending money we don’t have, to buy things we don’t need, to please people we don’t even like.
We take all these externals, post them on the internet, and build our identity upon it — when in reality, they are all just projections, speaking volumes about what we do (or try very hard to seem like we do), but little about who we are.
People used to keep photo albums with actual printed photographs, and they would store them and have them accumulate dust and then dust them off and look at them with fresh eyes, because back then it was about the photos, not about the comments people made about them. The value was in the substance of the photos, not in the branding that they provided.
Not so now. The idea of intrinsic value is lost on us; the idea of being is alien to us. We have been reduced to statement shirts and popular (or even indie) music, to Friday nights out in the right places with the right people.
And when there are no statement shirts to wear, no popular music to listen to or say bad things about, no clubs and cool company to be with on the weekends, we are nothing. We have no identity apart from the image of ourselves that we project.
Ours is an impoverished generation that cannot deal with silence or solitude. We do not find value in having photographs and nobody to show them to.
We cannot operate without knowing that we are being watched; we affirm our value only insofar as we get attention from an audience. We are incapable of sitting with our naked selves and being comfortable in our own skin.
We are always striving, always projecting, always putting on another layer of externals, always trying to seem smarter or cooler or richer, that at the end of it all, we end up empty, and lost, and lonely.

PANGKABUHAYAN SHOWCASE


Second birthday mo na wala dito sa Pinas at dahil kagigising-gising ko lang eh, hindi naman na ako makapag-celebrate mag-isa, mukha ko timang nun malamang. Si Ricka nasa Mindanao pa, eh alam mo namang yun ang masipag sa mga checheburecheng kyeme, kung ako lang eh, ok na sa'kin ang ganitong greeting :) Tulad ng pinangako kong 28 gifts, ito na siya, medyo e-gifts nga lang ang tawag dito dahil electronic, electronic?! hahahaha. At grabe ha, ang tanda na talaga natin kasi ang dami nito, nahirapan ako mag-isip. Gagawin ko sanang 12 lang dahil mukha naman tayong 12 hahaha...

Ito lang ang mga dumaan sa isip ko kanina, kung may nakalimutan ako pasenya. Humanda ka!!!!! Ito naaaaaaa!!!!!


28. TAE
sosyal na beh kasi canned na. Dahil sa pagiging artist natin di talaga maiwasang kumain ng tae minsan, alam mo naman ang ibig sabihin niyan "Literal" hahaha. Eh hirap naman kasi diba? ang lakas maka-tanga talaga ng buhay paminsan-minsan. Pero okay lang naman yan, di ka daw normal na tae ah este tao pag hindi mo na-eexperience ma-tanga once in a while. Enjoy!

27. WINE
pangarap nating uminom sa super-laking wine glass kahit na hindi ako masyadong ma-alak eh napapainom ako dahil gusto lang natin magpa-sosyal hahaha. Joke! Pero yung mala-Barcelona movie na wine glass yan. Yung tipong pwedeng maghilamos paglasing ka na, o kaya pwede rin maging sanhi ng pagkamatay mo kasi pwede ka malunod. :)))






26. MAGIC SING(ING)
ang concierto at Floridablanca Pampanga Idol natin. Wala lang tayo pakealam, kahit ano lang kinakanta natin. Yung 'Must have been love" na pilit natin inaabot kahit na lukot-lukot na ang mga mukha natin. Pati yung music video na ginawa ko dati na pinabura mo sa youtube, sayang talaga yun!!! hahahaha. Madalas uuwi lang tayo ng pampanga para tumambay at kumanta ng kumanta na parang walang bukas hanggang sa magalit na si Mamita hahaha.



25. HOME THEATER
Hindi na talaga tayo magtatrabaho nito,
magbebenta nalang tayo ng tickets sa mga friends
na gustong makinood para kumita tayo :)))



24. NAGARAYA hot & spicy
Ang snack habang nanonood ng movie o kaya habang nag-iinternet. Minsan pagwala tayong pera nagbabaon tayo sa sinehan nito para di na tayo bibili ng pagkain, movie tickets lang solve na. Hindi naman tayo mahirap pero "Hoh my Gawwwd" ang sarap kaya nito!!!!! hahaha.




23. INIPIT
Remember our favorite inipit commercial? Yung batang nagsabi ng "Nyeah!" hahahaha. Dahil dun tinry natin tong Inipit at masarap pala siya!!! mapapa-Nyeah!!! ka talaga hahahaha. At siyempre mawawala ba ang aking inipit pose? haha.





22. SNICKERS
Ako ang may paborito nito pero pati ikaw gaya-gaya ka na haha. Ang lakas lang natin kumain nito bakit ba? Bigla nalang nawawala ang Snickers na binili ko o binili mo kasi may kumain sa ating dalawa.




21. DUNHILL FROST
huminto na ako magyosi noon pero dahil sa inoffer mo tong Dunhill Frost sakin napabalik tuloy ako magyosi. At lumakas pa. tsk. Dahil litrato naman ang mga regalo ko, pwede akong magregalo nito kahit na phased out na siya. Bilang sabi mo nga meron nang bago diyan sa SG enjoy mo nalang ang kamahalan niyan hahaha. Mahal din naman ito, pero hindi naman matatawaran ang hagod nito sa lalamunan. Tsaka hindi naman tayo bumibili nito nun, nakikihingi lang tayo kay Doc madalas hehe. Sana ibalik na nila ito :)









20. COKE ZERO
Hindi naman pwedeng mawala ito. Kahit sinong bisita dito sa bahay alam na kung ano ang dadalhin bago umakyat ng 507. Kailangan nilang mag-ambag ng coke zero sa ref. Tubig mo yan eh! hahaha. Madalas ikaw lang nakakaubos ng isang litro!!! Tapos ako ginagawa ko na ngang pang-mumog pagnagtu-toothbrush hahaha. O kaya ikaw sabaw sa Nilaga hahaha.


19. SPAM hot & spicy
Staple food ito, alam na! Kailangan ko pa bang i-explain?






18. BACON
pangalawa sa mga staple food natin. At hinahanda natin tuwing birthday ko hahahaha hindi pwedeng walang bacon ano ba?!





17. TUNA SANDWICH
Kung marunong naman tayo magpataba eh marunong din tayo magdiet. At ayan, dalawang linggo ata tayong puro tuna sandwich lang. Halos mahimatay-himatay na tayo sa ngalan lang ng pagpapa-payat! Effective naman siya aba!





16. STEAK PLUS Timog
Hindi matatawaran ang serbisyo ng Steak Plus sa atin. Ang wi-fi, ang kape, ang pagkain at ang mga kaganapan at mga taong nakilala natin sa lugar na yan. Ang mga kwentuhang walang humpay hanggang umaga. At ang pag-tanga ko at pagtatambucho habang nag-aayos ka ng i-Tunes mo, alangya! Dito din ata nabuo ang iyong dakilang album.




15. KAPE
Itinatanong pa ba to? Impossibleng mawala ang kape sa katawan natin. Kulang nalang gawin na nating mala-dextrose ito. Marami na ring nabuong kwentuhan at relasyon dahil sa kape. Ang mga panukala natin sa buhay habang nagka-kape. Dalawa lang tayo sa bahay pero ang coffee mug natin mga onse ata! hahahaha.




14. MCDONALD's Big Breakfast

Grabe na to, hindi ka naman talaga maka-mcdo dahil jollibee ka pero dumating tayo sa punto ng paghihintay sa Mcdo after ng gig hanggang sa i-serve ang Big Breakfast. At magsagutan sa online sa mga status pero magkakaharap lang naman, online pa nag-uusap. Kulang nalang magpadeliver din tayo ng big breakfast meal online hahaha.


13. DotA
Sobrang adik mo dito, na sanhi pa ng mga pag-aaway-away dati dahil sa pikon. Ako naman  deadma, kasi salingkit lang naman ako sa laro. Yung tipong nandun lang ako para patayin, pandagdag pera sa kalaban hahaha o kaya tiga-push o tiga-patay lang ng mga creeps. Eh kasi naman creeps nga napapatay ako ano ba?!!! hahaha. Nakakamiss lang ang mga dOTA nights noon at counter strike nights na din.



12. AGENT/BARISTA
pangarap natin beh pag-wala na tayong maisip na ibang gawin. Pag super-bored at tamad natin bigla nalang natin maiisip na "Bakit kaya di nalang tayo mag-call center agent o mag-barista para may silbi naman tayo!" hahahaha. Pag-wala ako magawa beh, naiisip ko parin 'to.






11. JOLLIBEE DELIVERY
Siyempre walang Jollibee jan. Kaya malamang sobrang miss mo na 'to. Wala kasi tayong sinasantong oras, basta gusto natin ng Jollibee tawag lang tayo tapos in British accent pa hahahaha. Looking forward nga ako sa 2013 Calendar nila beh, may Red card narin ako :))) Teka, puro pagkain tong naiisip ko, hehe gutom na kasi ako. Papa-deliver muna ko, (seryoso ako!)





10. ONCE
Ang pag-uubos natin ng movie sa hard drive. Pag-movie time na kahit hindi na tayo makahinga sa kama nila Melvin ayos lang. Mga tatlong movie bago matulog. At paggusto na natin matulog, isasalang natin yang "Once". walang palya tulog tayo niyan. hahaha. Hindi naman dahil sa hindi siya maganda, pero nakaka-antok lang talaga kasi ambagal hahahaha.



9. RPM
Hindi naman ako nakarami nito, pero minsan napapaginipan ko, nasa klase ako. Gusto ko mang maggagaganyan, tinatamad ako. Kasya na ko sa weekend classes dati. Alam ko miss mo na 'to. :)))





8. LUNA MYSTIKA
Isasakatuparan ko ang pangarap mong maging si Luna Mystika. It's either panget ka o anino ka hahahaha. Bakit ba yan ang nabanggit mong superhero, superhero ba yan?! hahahaha









7. BATHTUB
Ayan ang sosyal ng Bathtub mo, glass! hahaha. Naalala mo nung pinangarap natin na maglagay ng tub sa banyo? hahaha. Dahil sa movie na The Reader ba yun? Tuwing nag-aaway kasi sila, naliligo si Kate Winslet sa bathtub hahahaha.







6. NOTES BOOK
Ang ating pangarap na maisalathala ang ating mga baliw notes ay maisasakatuparan sa pamamagitan nito at pamamagatan kong "The Notes Book" hahaha. Nakakailan na ba tayo? Tsaka ko nalang iba-bind lahat pagnakabili na ko ng printer :) hehe. Sumulat ka pa ng marami. Daliiii!




5. SURGERY
Beh ililibre kita kay Belo pero ito ang peg ko. Isda!!!!! hahahahaa



4. SSS Death Claim
Pangarap natin to pagwala na tayong pera talaga hahahaha
Ireregalo ko na din sayo!!!



3. 507 at ang COUCH
Hanggang picture ka nalang muna. Hindi ko naman to pwede dalhin jan.
Pero sabi din ng bahay, miss ka na niya :(


2. JANEYBUGS
Diba ang sosyal .gif talaga yung sa'kin hahaha. Alam ko naman kahit sakit ako sa ulo gusto mo anjan din ako, dahil kahit papano nakukuha natin maging masaya pag tumatawa tayo. Pero dahil sa gusto mong yumaman eh nanjan ka sa SG at nagpapaka-bayani hahaha. Miss na din kita beh, iba parin pag-andito tayo sa pilinas. Kahit magulo at madaming problema ayos lang at least nababawasan ang tendency ng pagsu-suicide :)

1. MAGANDANG BUHAY
'Yan ang ibinigay ng Google sakin beh nung tinype ko "magandang buhay" hahahaha. Gandahan mo daw ang asal para magkaron ng magandang buhay ahahaha.
'Yan naman ang palaging wish natin. Pinaghahagilap na nga natin kung saan makakabili niyan, ayan lang pala!!!!


Ayoko nang dagdagan pa, hayaan mo ng matapos sa magandang buhay para masaya.

HAPPY 28th BIRTHDAY BEH :))) Yey!


Biyernes, Oktubre 21, 2011

CRY JUST A LITTLE, LAUGH IN THE MIDDLE

Sa dami ng gusto kong gawin 'di ko alam kung ano uunahin ko.
Sa dami ng gusto kong maging, hindi ko na alam kung papaano iiwanan yung isa pang ako. At yung magiging ako pagkatapos nung isang pagiging ako.
Sa dami ng pumapasok sa isip ko, hindi ko na na-eentertain ang iba at natatabunan nalang tuloy. Natatapon na ang iba dahil sa kaapawan, yung iba nabubulok nalang dahil hindi ko na nabalikan.
Sa dami ng gusto kong sabihin, nakakalimutan ko na tuloy yung susunod ko pang gustong sabihin.
Sa dami nito eh paano pa ko titigil? Hindi ko din alam. Nalilito na naman ako.


It's either I slack too much or I work too much. Sana lang, palaging work ang too much at hindi pag-sa-slack. Kaya lang, nasa phase ata ako ng kabagalan ng ikot ng mundo. Kahit na madalas sinasabi ko na "ang bilis naman ng araw"... hindi ko naman nararamdaman na may pagbabago o masyado lang akong nakatuon sa sarili kong mundo kaya hindi ko na nakikita ang karumaldumal na mga pangyayari sa labas ng kahon ko.


Alam ko marami din naman na mga magagandang pangyayari, pero pangit man o maganda parehas lang naman ang reaksyon ko. Oo, ako na ang apathetic. Ang hirap lang mag-react, ang dami kasing alam sabihin ng iba... parang ako lang ngayon.


Hindi ko na din alam san huhugot ng inspirasyon. Tatlong buwan na kong hindi naglilinis ng bahay, buti nalang at  may mga kaibigan akong marunong magmalasakit at paminsan-minsan eh naiiba ang posisyon ng tambo dahil may nagwalis. Nagkakaron ng laman ang ref dahil may nag-go-grocery para sakin, dahil kung ako lang? mas pipiliin kong magmuni-muni kesa kumain. Hindi ko naman maintindihan bakit ang taba ko parin. Lakas daw kasing makataba ng stress. Hindi ko alam kung matatawag kong "tamad" ang sarili ko dahil alam ko namang hindi ako tamad. Sinasadya ko talagang hindi kumilos, para maiba naman. Mas gusto kong mag-isip habang nagyoyosi. Kahit na sinasabihan ko na ang sarili ko na tumigil na, dahil alam ko namang sobra na, hindi ko parin tinitigil. Ewan ko ba. Parang itong paulit-ulit na iniisip ko, gusto ko na tigilan pero 'di din naman ako humihinto. Ano ba?!!!!!!


After reading WHO MOVED MY CHEESE twice; kahit na nabasa ko na to 2 years ago. Iniisip ko, masyado na ata akong stuck sa kung saan man ako ngayon. Hindi daw ako maka-move on. Di naman dahil takot ako sa pagbabago pero ewan ko. Attached daw ako sa lahat ng bagay sa paligid ko, ang hirap lang iwan ng mga naging nakaraan. Bring on the drama, cmon! Sheeesh!


Madami na kong naging "activity" pero pagdating sa usapang "productivity?" parang ang tagal na nung huli kong na-feel na productive ako. Pa'no kasi nasa cycle na naman ako ng ka-ewanan at feeling ko eh paulit-ulit na naman ang ginagawa ko. Naka-loop na naman parang i-Tunes ko lang.


I do blogs because I can say everything and anything I want here. Release everything and then forget it after. Kung gusto ko balikan pwede namang i-click lang ulit. And each and every time, nakukuha ko pa rin ngitian ang mga bagay na naiisip ko dati. Baliw talaga ko mag-isip minsan. Pero totoo lang.


Gustuhin ko mang maging katulad ko ang lahat ng nasa paligid ko para lahat kasundo ko, hindi pwede. Malamang mag-aaway-away lahat ng tao dahil mainitin ang mga ulo. Pero masaya din siguro dahil tatawa kami ng tatawa lahat. Pero malamang mas magulo ang mundo, psycho-world panigurado.


Sa kabila ng lahat ng kabaliwan ko, marunong parin akong magpasalamat sa lahat ng bagay at tao sa buhay ko. Minsan nagpapasalamat ako dahil iba ako sa kanila, kahit na minsan nalulungkot din ako dahil iba ako. Ang labo! Pero hindi ba? kanya-kanya lang daw pananaw sa buhay 'yan. Kailangan nating malito paminsan-minsan para  matuto tayong maghanap at mag-analyze ng lahat ng bagay. Madalas, I lose my track pero the good thing is I still know how to find my way back. Yun naman ang importante, marunong kang bumalik, dahil kung hindi na, aba malala ka na talaga. At buti naman eh wala pa ko sa ganoong sitwasyon. Bukas makalawa iba na naman ang course ko. Marunong naman ako mag-adapt sa pagbabago. Tamad ako ngayon pero kung gugustuhin ko, kaya kong maging masipag ulit. At nararamdaman ko na malapit na ko magsawa sa ganitong sitwasyon. Malapit na akong magbago. Malapit na.


Gusto ko lang gawin lahat ng bagay na naiisip ko ngayon. Puntahan lahat ng gusto kong puntahan hangga't kaya ko pa. Sabi ng isa kong kaibigan, sa lahat ng mga pinag-gagawa ko sa buhay ko at lahat ng pinaggastusan ko sa mga pinuntahan ko - kahit na hindi naman ganun kadami -  matagal na dapat akong nakabili ng sarili kong sasakyan, oo kotse o bahay. Pero ewan ko, kahit na gusto ko, hindi ko pa rin makuhang bumili. Mas gusto kong ibyahe sa ibat-ibang lugar. Dahil lilipas ang mga buwan at mga taon at sa dami ng delubyong nangyayari sa mundo, malamang mawawala na lahat ng bagay na maganda sa mundo. At gusto kong makita ang mga ito, bago pa man gunawin ni Lord ang universe. Gusto kong hanapin ang lugar ko and by traveling, malay mo baka mahanap ko. :)))


Sa dami ng pwede pang mangyari, ang hirap maghintay. Pero makakarating din tayo lahat jan. Hintay lang, hintay lang... malapit na yan :)))

Huwebes, Oktubre 20, 2011

HAPPY BIRTHDAY ERNIE

Hindi daw kasi ma-view sa youtube dahil naka-block. Sana dito pwede. Dahil din sa video na ito, na-disable ang video uploads ko sa facebook hahaha. Pero para sa'yo Ernie Borja, okay lang :)


Post birthday gift ito but Happy Birthday anyways. Ganyan ka namin ka-mahal :))) Enjoy!


Lunes, Oktubre 17, 2011

DIVING IS FLYING

Kung ako ang tatanungin mas gusto kong tumingala sa langit kaysa ang tumitig sa dagat. Mas matayog daw kasi ang pangarap kung palaging sa taas ang tingin. Ang taong nakayuko at tahimik at nakatitig sa dagat, malungkot.


Hindi ko alam pero yun lang ang pananaw ko haha. Malabo naman ako parati pero ako lang ang nakakaintindi sa sarili ko. Pangarap kong lumipad at isa lang naman ang makakapagpatupad nun kundi ang Skydiving na pinaka-aasam-asam ko. Mayroon namang nag-ooffer pero hindi ko din alam bat ba hindi pa natutuloy. Siguro eh dahil kailangan ko pang dumaan muna sa progreso ng heights bago daw ang ultimate dive. Bungee muna o try ko tumalon dito mula 5th floor hanggang ground floor? Ewan ko, pasaan ba eh matutupad din yan. Hindi naman ako nagmamadali, may tiwala naman ako sa kakayahan ko, na balang araw, at di na nalalayo ang panahon na makakapag-skydive din ako.


Sa ngayon scuba diving muna ang inaatupag ko. At kahit na pailalim ang punta ko pag nagdadive, halos ganun din naman daw ang idea sa skydiving. Parehas may pressure na kailangan intindihin. Pero kung tutuusin parehas lang din naman delikado ang scuba at sky diving. Parehas din na may posibilidad ng pagkamatay. Lunod at durog. Parehas masaklap. Parehas patay.


Pero parehas din ang feel malamang. Iba lang ang adrenaline rush ng skydiving dahil mabilis. Pero kung paglipad lang ang pag-uusapan, para din naman akong lumilipad pag nagsu-scuba dive. Nakalutang din ako, hindi nakasayad ang mga paa sa lupa, parehas ng posisyon at may kakayahang kontrolin kung tataas at bababa. Mabagal nga lang sa ilalim ng tubig pero ganun din naman ata. Ewan ko.


Pero sa tuwing nasa ilalim ako ng tubig, ini-imagine ko na lumilipad din ako. Na-rerelax ang utak ko sa ingay ng mundo. Sa ilalim... ang dagat at ang sarili ko lang ang naririnig ko. Hindi ko na kailangan ng earphones para takasan ang kadaldalan ng ibang tao, ang busina ng mga sasakyan at music ng iba na hindi ko ma-appreciate. Maya't maya may sesenyas pa sa'yo, magtatanong kung "Okay ka lang?" at sesenyas ka lang na "Ok" naman. Tapos nun, tapos na. Balik sa kanya-kanyang business. Wala nang pakealamanan unless mukha kang timang dahil sa takot o sa taranta.


Madalas kinakausap ko ang mga isda. Nag-ha-Hi or Hello nga ako palagi. Iniisip ko kahit hindi nila ko naririnig, naiintindihan nila ko. Curious sila sa pagkatao ko dahil umaaligid-aligid sila sa'kin. Ang laki ko daw kasing isda haha.


Pero sa totoo lang, tumitigil minsan ang pag-iisip ko pag nasa ilalim. Ang alam ko lang kailangan ko lang huminga ng tama, kumalma at i-check kung hanggang saan pa ang kaya ng hangin sa tangke ko. Alam kong may hangganan ang buhay ko sa ilalim kaya natututo akong magtipid sa hininga. Mas matipid mas matagal ang paglipad. Relax lang, cool lang.


Ang sarap lang isipin na ako ang nagkokontrol ng itatagal ng buhay ko. Pero sa scuba diving lang yun, hindi naman pwede sa 'totoong' buhay.


Ang mga hand signals iisa lang ang ibig sabihin. Kung diver ka dapat alam mo, dahil kung hindi mo alam malilito ka talaga. Kaunti lang naman ang kailangan araling hand signals at paulit-ulit naman ginagamit. Pagnaubusan ng hininga, pag-ok, pag-ascend na, pag-decompression stop, pag-nahirapan mag-equalize, kung masakit na ang ulo mo - hawak kalang sa ulo mo at magbabaliw-baliwan ka lang sa sakit, maiintindihan na ng kapwa diver yun. Solve na. Pero sa totoong buhay sa ibabaw ng tubig, ang hirap sumens (sense) ng signal. Most of the time, people are getting wrong signals from other people. Minsan naman, iba na ang binibigay na signal, deadma ka naman. Minsan naman signal ng signal, pero hindi naman kayang panindigan hanggang signal lang. Haaay! ang hirap naman. Lito ka na nga mas nililito ka pa.


Hindi naman ako tanga-tanga no?


Oh well, kung sakali lang na magkaroon ka na ng lakas ng loob para ihinto iyang signal na iyan at maisipang i-dive iyan sa totoong buhay. Balitaan mo nalang ako, marunong naman ako makinig. Masyadong maikli ang buhay para panghinayangan ang mga bagay na sana ginawa mo na ngayon palang. Tara! Let's dive. Let's fly.