Nagising ako sa kantang ito... pakinggan mo, tingnan ko kung di ka magigising, haha.
Nung isang linggo ko pa 'to kinakanta hindi ko alam kung bakit hahaha. Humingi pa ko ng mp3 sa friend ko at 207 plays na siya sa iTunes ko simula lang nung friday lang.
Hindi naman ako talaga fan ng Maroon 5, pero medyo gusto ko lang si Adam Levine hehe though hindi din masyado kasi ang liit ng boses niya parang hindi bagay sa kanya hahaha. Pero 'di ko din alam pero gusto ko tong song na to ngayon, bakit ba?!
Hindi din naman ako maka-Christina Aguilera, dahil di ako fan ng mga kanta niya dahil masyadong ma-riff at mataas, kaya di kasama sa line up ko (singer naman pala ko?!) hahaha.
Hindi ko din naman masabi na dahil kay Mick Jagger, dahil ang tanda na nun haha. Siguro dahil lang din sa The Rolling Stones? pero hindi din naman ako fan ng The Rolling Stones, kasi naman ang bata ko pa noh nung panahon nila. Kung 28 ako ngayon, siguro -28 palang ako nung nabuo sila hahaha. 1962 daw ayon sa Wiki, so ibig sabihin kinder palang ang nanay ko nun, so negative 21 ako, goodluck naman dalawang dekada ahahaha.
Pero fan naman ako ng oldskul sutff kaya ok lang, may pink shirt nga ko na may print ng The Rolling Stones at Led Zeppelin na isa pa sa mga 60's rockbands, though again, hindi naman ako talaga fan ng hard rock music dahil wala ako maintidinhan at hindi ko naman ma-appreciate talaga kahit na mukha akong rockista eh hindi naman talaga ko mahilig sa heavy metal hahaha. Pili lang pero hindi ako super fan nyehehe.
Nakakatuwa lang itong song na ito, dahil sa kanyang dance-beat sarap gamitin sa jogging o habang nagse-skate. Mapapa-move like Jagger ka talaga hahaha. Pero malamang gagamitin ko to mamaya habang naglilinis ng bahay. Natapos ko na ang CR, kung saan eh pwede ka na matulog sa sobrang linis hahaha so mamaya ang buong bahay naman. Sinisipag na ulit ako ngayon. I'm gonna miss someone this week. Awwwww :(
Kanta nalang muna tayo. Good vibes! :)))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento