Lumipas din
... ang isang taon... ang sama ng loob... ang paghihintay.
Well, hindi naman na talaga tayo naghihintayan na magkita ulit o magkabalikan. Sa totoo lang, parang napagkasunduan na rin natin na huwag na talaga maghintay o ako lang? o ikaw din? hahaha. Wala namang verbal na kasunduan pero parang ganun narin. Isang taon na ang nakalipas at maayos naman na ang isa't-isa. Nakuha naring mag-usap at magkatinginan ulit sa mata. Hindi man masabi ng ating mga labi na "OKAY" na, at least nakukuha nang maging okay para sa paningin ng iba. Sa ganoong paraan, parang nagiging okay na talaga. Sabi natin noon, malaki na tayo at matatanda na... para hindi maintindihan ang sitwasyon na pinasok nating dalawa. At dahil matigas pareho ang kukote natin, pinilit natin maging okay kahit mahirap. Ayoko nang balikan, pero gusto ko lang i-congratulate ang sarili ko at ikaw narin dahil nalampasan natin ang lahat ng unos na iyon. Mabuti na ang pakiramdam ko ngayon, sana ikaw din. Ang kapatawaran mo sa hangin, sa tingin ko natanggap ko na din. Sana sa'yo nga galing haha.
Ang isang mali na yun ang nagbigay ng napakalaking tama sa buhay ko. At napalabas mo ang pagiging artist ko hahaha. Ewan ko lang sa'yo pero natutuwa ako dahil okay ka na ulit :) Sana...
Kahit na alam kong nami-miss mo na ko, dahil nakaka-miss naman talaga ko aminin mo! haha. Alam ko mahirap intindihin pero sa konti ng taong nakakaalam ng sitwasyong IKAW AT AKO, sa tingin ko hindi na kailangan ilathala pa porket tapos na. Sa'tin nalang iyon at hanggang dito nalang.
Salamat sa'yo na naging inspirasyon ko sa kantang ito. I-enjoy mo nalang ito hanggang sa makatulog ka o habang nagkakape ka. Sana natatandaan mo pa ang itinuro kong timpla.
Oo ikaw! alam mo na kung sino ka :)
Good vibes!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento