Tuwing nagigising ako sa umaga, hapon, gabi, madaling araw o kahit anong oras at wala akong naririnig kundi katahimikan, nalulungkot ako. Seryoso! Parang blanko ang mundo, dumilat ka lang tapos alam mo lang "okay gising ka na!."
Kaninang ala-sais, tahimik nung nagising ako. Sa antok kasi nakatulog na naman ako sa sofa, hindi naman na bago pero iba lang dahil low-batt ang laptop at wala akong earphones na nakakabit sa tenga, hindi ko naiwang nakabukas ang TV. Pagdilat ko, nakapatay na ang ilaw at giniginaw ako, wala palang kumot at tahimik yun na nga....nalungkot ako.
Kaya ang unang-una kong ginawa, maghanap ng patutugtugin. The World as I see it default song.
Pero bago ako magsulat, naghanap ako ng ibang inspirasyon, para maiba naman ang umaga. Malapit na kong maumay sa The World as I see it.
At ito Anything You Want. Sarap sa tenga at ang gaan ng umaga. Parang ang sarap mag-umpisa hindi ba?
Ganyang ang buhay ko, hindi ko alam kung matatawag mong wirdo pero ewan ko. Alam ko marami akong pinagkaiba sa iba pero alam kong normal pa rin naman ako. Marami ding gustong nakikinig ng music sa umaga at may iba-iba ring dahilan, tulad mo... kung bakit? ikaw nalang ang nakakaalam nun. Ako? gusto ko lang lagyan ng theme ang araw ko. Hahaha. Parang pelikula, ganun. Tinitimpla mo ang mood sa pamamagitan ng music. Ganyan na ganyan, kaya ultimo pagtulog ko may scoring. Aba, hindi pwedeng hindi, kaya nga hindi tumatagal ang mga earphones ko, dahil dumadating na lang sa punto na hindi ko naman na talaga naririnig yung tugtog dahil tulog na nga ko at umaabot pa sa puntong nasasakal-sakal na ko, ayos lang. Basta may tumutunog wala akong pakealam. Lilipas ang ilang buwan, kailangan ko na naman ng bagong earphones dahil sira na dahil nadadaganan ko sa pagtulog. Pero ganun parin, wala akong pakealam basta may tumutunog sa tenga ko.
Scoring habang naglalakad. Paborito ko yan. At dahil madalas wala akong pakealam sa ibang tao na kasabay ko maglakad, sa elevator, sa FX, sa taxi driver na madaldal, sa mahabang pila at sa kung saan-saan, ang earphones ko naka-plug lang sa tenga ko. Minsan nga hindi na tumutugtog nasa tenga ko pa rin, kaya minsan kala ko bingi ako, yun pala may nakapasak sa tenga ko hahahaha. Ayaw ko kasing naririnig ang ingay ng mundo. Ang mga maingay na mga bus at jeep, ang chismisan ng mga tao sa elevator, ang usapan at tawanan ng mga tao sa FX, ang mga reklamo ng taxi drivers sa pagtaas ng gasolina pero ang pamasahe ganun parin, ang mga "tsK" ng mga may lakad pero mabagal ang usad ng pila. Pag may tumutunog sa tenga ko, akin lang ang mundo. Ang sarap walang istorbo, parang pelikula.
Nag-iiba iba din yan, depende sa mood ko. At dahil malapit na ang concert ni Jason Mraz dito sa Pilipinas. Ayan nagpapaka-adik ako sa mga kanta niya, ayokong mag-watermelon sa concert niya. Ang astig kaya na sinasabayan mo siya habang kumakanta. Hahaha. "Anything you want can be yours at anytime..." kung ito ang maririnig mo habang naglalakad, habang nasa elevator, habang nasa FX o taxi at nasa pila, ang ganda siguro ng ngiti mo, tama ba? Tulad ng mga panukala namin sa trabaho sa editing, i-set natin ang mood sa pamamagitan ng malupit na scoring :)
O siya... ikaw din set your mood, find a good song! Magandang umaga! :)))
Miyerkules, Setyembre 28, 2011
Lunes, Setyembre 26, 2011
'GOOFY' KIND OF LOVE
Lumipas din
... ang isang taon... ang sama ng loob... ang paghihintay.
Well, hindi naman na talaga tayo naghihintayan na magkita ulit o magkabalikan. Sa totoo lang, parang napagkasunduan na rin natin na huwag na talaga maghintay o ako lang? o ikaw din? hahaha. Wala namang verbal na kasunduan pero parang ganun narin. Isang taon na ang nakalipas at maayos naman na ang isa't-isa. Nakuha naring mag-usap at magkatinginan ulit sa mata. Hindi man masabi ng ating mga labi na "OKAY" na, at least nakukuha nang maging okay para sa paningin ng iba. Sa ganoong paraan, parang nagiging okay na talaga. Sabi natin noon, malaki na tayo at matatanda na... para hindi maintindihan ang sitwasyon na pinasok nating dalawa. At dahil matigas pareho ang kukote natin, pinilit natin maging okay kahit mahirap. Ayoko nang balikan, pero gusto ko lang i-congratulate ang sarili ko at ikaw narin dahil nalampasan natin ang lahat ng unos na iyon. Mabuti na ang pakiramdam ko ngayon, sana ikaw din. Ang kapatawaran mo sa hangin, sa tingin ko natanggap ko na din. Sana sa'yo nga galing haha.
Ang isang mali na yun ang nagbigay ng napakalaking tama sa buhay ko. At napalabas mo ang pagiging artist ko hahaha. Ewan ko lang sa'yo pero natutuwa ako dahil okay ka na ulit :) Sana...
Kahit na alam kong nami-miss mo na ko, dahil nakaka-miss naman talaga ko aminin mo! haha. Alam ko mahirap intindihin pero sa konti ng taong nakakaalam ng sitwasyong IKAW AT AKO, sa tingin ko hindi na kailangan ilathala pa porket tapos na. Sa'tin nalang iyon at hanggang dito nalang.
Salamat sa'yo na naging inspirasyon ko sa kantang ito. I-enjoy mo nalang ito hanggang sa makatulog ka o habang nagkakape ka. Sana natatandaan mo pa ang itinuro kong timpla.
Oo ikaw! alam mo na kung sino ka :)
Good vibes!
Linggo, Setyembre 25, 2011
BOSES ON AIR
Sobrang thank you Lord! :)
Hindi ito ang unang-unang umere ang boses ko, hindi ko na nga matandaan saang show ako unang nag-VO. Ang sarap sanang balikan ang 3 years ago hehe. Pero pipilitin kong hanapin at alalahanin kung ano yun. I-co-compile ko lahat ng mga projects ko simula sa araw na to, at ita-try kunin ang mga noon, para kung sakaling sumikat ako, may maibibigay akong material sa mga researchers ng show na sakaling mag-iinterview sa'kin hahahaha. Joke lang. Hindi ko napakinggan sarili ko dahil kasalukuyan akong naglalaba din ng ibang labada. Hindi naman ito sobrang ganda, kaya huwag ka masyadong mag-expect hehe.
Pwes gusto ko lang i-post bilang alam ko masarap itong balikan balang araw.
Yung tipong tamang tawanan lang:
"VO Talent ako noon noh!" - ipagyayabang ko sa mga apo ko at sa mga amiga-lolas ko hahahaha.
LOVE PARTY PILIPINAS VTR
Biyernes, Setyembre 23, 2011
BOSES LANG
Noong bata pa ako ni hindi sumagi sa isip ko na magiging editor ako balang araw. Gusto kong maging Lawyer o kaya Doctor. Siguro tulad din ako ng mga bata noon... mataas ang pangarap. Pero isa din ako sa mga batang hindi nakamit ang mataas na pangarap na 'yun. Isang dahilan ang kawalan ng salapi at sangkatutak na dahilan kung bakit hindi nakuha ang kursong gusto ko. Ayoko nang palawigin pa, pero masyado na ata akong matanda para pangarapin pa ulit ang pangarap na yun, masyado na ring huli ang lahat para mag-Law pa ko o mag-Medicine.
Bilang mahilig naman akong kumanta, Mass Communication ang kinuha ko, ang labo hahaha. Pero hindi ko rin natapos. Unang-una dahil delingkwente akong estudyante, pangalawa hindi ako masipag mag-aral, pero "bright" daw ako sabi ng isang prof ko noon. Pwes, maliwanag pa sa sikat ng araw... alam kong bright talaga ko hahaha. Well, maraming naging hadlang para hindi ko matapos ang kolehiyo, magulo ang buhay ko noon, mahirap naman ngayon. Hindi naman kasing hirap, tulad ng iniisip mong "hirap" dahil hindi ko naman naranasan lumangoy sa dagat ng basura at matulog sa kalsada (commercial ni Manny Villar). Hindi mo lang talaga matatawag ang pamilya ko na mayaman o may kaya, pero hindi naman kami naghihikahos dahil nakapasok pa ko sa isang pribadong paaralan noong elementary hanggang 1st year highschool, nailipat ng publikong paaralan nung 2nd year at dun na grumaduate ng may sama ng loob at may baong angst, hindi ko alam pero punung-puno ako ng angst noon dahil ang feeling ako naitapon ako sa isang kulungan simula nung nag-public school ako. Pero bumalik naman ako ng pribado noong kolehiyo pero ang angst ko sumama, ayun tuloy delingkwente... pero bright naman daw. (ayaw tumigil?) haha.
Pero dahil sa kayabangan ko noon, ayan hindi ako nakatapos. Lumipas nalang ang mga taon hindi na ko nakabalik ulit sa unibersidad ng malayong silangan simula nang matanggap ako sa isang brodkasting network na pangarap ng mga kaklase kong grumadaute. Aba, nakapasok na ko eh, bat pa ko babalik sa eskwelahan eh dito din naman ako babagsak. Baluktot. Actually, ang mahal na kasi ng tuition ngayon, mas mahal na nga, eh siyempre ako na magpapaaral sa sarili ko, ang hirap nun! hehe. Pero kung bibigyan ako ng maganda-gandang pagkakataon, gusto ko parin bumalik dahil pangako ko sa nanay ko ga-graduate ako. At ang pangako ko sa sarili ko, bukod sa makapunta ng Disney Land ay sana naman makuha ko ang diploma ko bago ako mag-trenta.
Pero sa ngayon, kailangan ko munang kumayod. At ito na nga, napakabait ng Diyos sa'kin at wala na kong mahihiling pa. Nagagamit ko ngayon ang mga natutunan ko sa paaralan. Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na magpasikat sa unibersidad noon, pwes magpapasikat ako ngayon sa trabaho. Hindi man ako nakakuha ng uno na marka sa Public Speaking at Oral Interpretation, pwes ngayon tumataginting na tatlong libo para sa voice over.
Oh yeah, ako na talaga! haha.
Hindi ko intensyon na magmayabang. Isa lang ito sa paraan ko ng pagpapasalamat sa talentong ito na kahit kailan ay hindi din sumagi sa isip ko na magagamit ko sa pagtanda ko. Nag-umpisa sa mga sponsors lang noon para sa CBB. At natatandaan ko pa, nagvoice din ako sa isang concert ng sikat na lokal band noon sa isang school sa probinsyang nakalimutan ko na. Pero gig to ng Cueshe at ang nakakatawa pa, live VO at ang mas nakakatawa pa... pumiyok ako hahahaha. Bata-bata pa ako noon at kahit noon hanggang ngayon hindi ko parin tinitingnan ang career na ito bilang ultimate career ko. Alam kong marunong ako pero hindi ako magaling haha. Kung sino lang ang may lakas ng loob na magtiwala sa talentong ito pinagbibigyan ko at ang maganda doon, kumikita ako.
Hindi man permanente o pabugso-bugso ang dating, ayos lang sa'kin. Boses naman ito at hindi masakit sa loob na ikalugi dahil wala namang malaking capital na kailangang isugal. Talento lang daw ika nga nila at nagpapasalamat ako sa talentong ito, overwhelming kapag na-aapreciate ng iba at nakatataba ng puso 'pag naiisip kong lumalabas sa speakers ng mga telebisyon ninyo paminsan-minsan ang boses ko. Hindi man magmukhang mahalaga sa mga makikinig, ayos lang no, sus!
Matagal ko nang natanggap na hindi ako para sa ospital o sa korte. Hindi ko man inexpect na sa TV pala ko, nagpapasalamat na rin ako dahil masaya naman ako sa kung saan ako ngayon :D at para dito naman ata talaga ko - (parang 'di pa ko sigurado?! haha).
Hanggat' nandito pa ang lalamunan ko at gumagana pa ang baga ko at may dila pa ko at ngipin pa ko at buhay pa ko at hanggat kaya pang bumigkas ng letra at pangungusap. Hindi ko tatanggihan ang blessing na ito dahil kabuhayan showcase ang kapalit kahit boses lang ang puhunan. C'mon! :)))

THE WORLD AS I SEE IT
"The world as I see it, is a remarkable place. A beautiful house in a forest, of stars in outer space. From a birds eye view, I can see it has a well-rounded personality. From a birds eye view, I can see we are family. It's not hard for me to love you. Hard for me to love you. No it's not a difficult thing. It's not hard for me to love you. Hard for me to love you Because you are the world to me. You are the mountain, you are the rock. You are the cord and you're the spark. You are the eagle, you are the lark. You are the world and you're remarkable. You're the ocean eating the shore. You are the calm inside the storm. You're every emotion, you can endure. You are the world, the world is yours."
Bilang ang caption ko at tag ko palagi sa sarili ko ay "someone difficult". Hindi ko maalis na purihin ang kantang ito sa ngayon. Ang sarap sigurong pakinggan kung kakantahin ito para sa akin. Tawagin mo nang hopeless romantic pero masarap naman talagang pakinggan kung sasabihin sa'yong "It's not hard for me to love you, no it's not a difficult thing." Totoong remarkable place ang mundo kung saka-sakali man. :)
Maraming nagtutulak sa'kin para humanap ng "boylet, jowa, lalaki, boyfriend - na kasintahan hindi kaibigan lang" pero hindi ko rin maitulak ang sarili ko kung kanino lang na "available". Picky ako, kahit wala namang pagpipilian haha. Siguro lang hindi lang ako easy pagdating sa usapang pag-ibig -though little things get me you know. Difficult parin ako sa lahat ng bagay, sa hirap ng buhay at sa hirap maghanap ng makakasama sa buhay, huwag na daw maging choosy, pero anong magagawa ako eh wala nga?! O meron naman daw pero sa tingin ko ay hindi lang tama. Natatandaan ko pa nung sinabi dati ng huli kong naging boyfriend - na kasintahan - "Gusto kong hawakan ang kamay mo kahit saan, pero paano?!" Ang hirap intindihin talaga ng buhay ano? Pwede naman pero hindi pwede. Sayang! pero ano nga bang panghihinayangan ko sa isang sitwasyon na mas malabo pa sa mata ko ngayon. Mapait daw isipin, pero ganun talaga wala tayong magagawa, hindi kasi talaga uubra 'wag na lang. Pero ganun parin naman sa bandang huli. Sayang!
Tulad din ng sabi ng iba, marami pang iba, pero dahil sa marami ang salitang "IBA" at hindi mo alam kung sino dahil "IBA" nga, eh ang hirap maghanap ng "IBA" na sinasabi nila, diba?
Hay! pero hindi naman ako nagmamadaling magkapamilya, marami pa kong gustong gawin. At dahil sa difficult ako, mukhang mas matatagalan pa bago ko makamit yan. Takot akong makadisappoint ng kapartner at lalong takot akong madisappoint sa sarili ko bandang huli. At para mabawasan ang mga disappointment sa buhay, minabuti kong piliin maging selfish muna. At bilang dun naman ako bihasa eh bukas na bukas din kukuha ako ng masteral para diyan :).
Sa ngayon, naka-loop muna to sa iTunes ko. Masarap pakinggan na hindi ako mahirap mahalin, na ako at akin ang mundo.
Martes, Setyembre 20, 2011
KAHON
Ayon kay Dong Abay sa kanyang himig na Perpekto "Hindi mo yata alam kung san ka patungo, ikaw ay naliligaw, isip ay nalilito, ayaw mo nang gumalaw, hindi ka sigurado."
Ito ako ngayon. Hindi ako sigurado kung anong mangyayari simula sa araw na ito. Wala akong balak tumakas sa mundo, pero ito na siguro ang paraan upang maisalathala ang ilang mga bagay na ginagawa ko na minsan gusto ko at minsan ay dahil lang sa gusto kong maiba ang tingin ko sa mundo. Madalas akong naliligaw at nalilito pero alam ko na lahat ng ito ay bahagi lang ng aking paglalakbay at ang mga ito rin ang maglalagay sakin sa gusto kong patunguhan. Hayaan ang aking malikot na imahinasyon, samahan mo pa ng aking malikot na paa na dalhin ako sa lugar na dapat ko din kalagyan.
Para sa iyo na ipinadpad ng tadhana sa aking maliit na kahon. Simulan mong samahan ako sa aking mga lakbay diwa. Tara! :)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)