I'm blogging using my phone. I got this app last month and I haven't used it until now. So, It's been quite a while Kahon :)
Na-miss ko lang atang dumaldal. Yung tipong kausap sarili. Yung walang pakealam sa grammar, yung may masabi lang pag walang magawa ; tulad ngayon.
Yung tipong kahit walang mag-like o magcomment. Yung tipong kausap sarili ulit, kahit paulit-ulit.
Mag-si-6 months na kong walang FB, di ko na alam kung may bago bang pakulo si Zuckerberg. Timeline parin ba? O baka vumi-virtual chat na? Haha. Sabi ko nga ayoko na din sana mag-twitter kasi ayoko masyadong nakakakita ng madaldal, at maraming opinion. Sometimes people post everything that crosses their minds : gawain ko din yun, pero hindi naman lahat - pero yung iba kasi makapagpatama lang sa hangin madalas. Yung iba di mo alam kung sino kausap o sino kaaway : gawain ko din yun dati - pero ngayon nagbago na ko. Naks! Positive na ko ngayon. Mahirap yun ah! Lol.
Madalas kasi kausap ko sarili ko - paulit-ulit naman! - sabi ko sa sarili ko "Wag naman masyado mainitin ulo mo, minsan sobrang "nega" mo na! Lahat nalang ng tao pinagiisipan mo ng may hindi magandang intensyon. Wag ka masyadong cynical!"
Eh kaya lang cynical talaga ko madalas! Tsk.
Tapos parang isang araw lang paggising ko, ayoko nang maging salbahe. Kasi matanda na ko. Complicated na nga daw ang mga grown ups, lalo ko pang gagawing mas complicated. Tsk mahirap yun : Difficult, parang ako haha.
Kanina tumunganga lang ako sa park, it's just nice to be in a place where no one knows you. Feeling invisible ka. Nakakatuwa yung mga old people kasi they'd say things really loud, kasi nga di ba mahina na pandinig nila. Pero nakakatuwa lang, hindi ko ma-explain. Sa'kin nalang yun.
Fascinated ako sa mga matatanda. They make me happy and sad at the same time but mostly happy. Feeling ko gold sila, kasi ang galing nila ang tagal nilang buhay :) Seryoso ako! Ako kasi feeling ko hindi ako aabot ng 50. Pero malamang pagnagka-family ako lahat ng ito magbabago. Malamang! Kaya nga nag-iimpok na ko ngayon, para kung sakaling hanggang 50 lang ako eh, maiwan namang hindi hikahos ang magiging mga anak ko hahahaha.
Kung saan-saan na naman ako napunta! Tsk.
Usually malungkot ako ng mga ganitong araw pero ngayon sabi ko dapat masaya ko. Celebrate life dapat palagi. Buti nga successful ako sa happy thoughts mantra ko :) Ayoko kasi ng mga "Alone" drama. Masyado na kong matanda para sa mga ganyang bagay. Dumadaan tayo minsan sa ganyang mga times pero hindi dapat mag-dwell sa 'hurts' ng past.
Now, June is a month of celebration. Kailangan kong i-celebrate ang strength na ito. 9 years na kong responsable sa sarili kong buhay and I'm proud kung ano man ang disposition ko sa buhay ngayon. I'm not the type who would embrace huge success to hide sorrow. Wala akong kailangang i-prove sa ibang tao. :) Yun lang, Bow!
I've been blessed with a lot of great people around me. Friends, workmates, my church that constantly reminds me and my God who never ceases to love me.
I've been saved many times. And I'm grateful. Kaya everyday I try to think of anything - almost everything - to thank God for, ultimo coins na natira sa bulsa ko :)
Anyway, happy lang ako, the power of the mind really helped, kailangan lang talaga i-condition ang mind parati. Sabi ko I'll make this year right. I intend to make it really right. I'm halfway, so far mukhang masaya naman ako at ang mga tao sa paligid ko.
I'm grateful to life because I'm making this journey :) One time ride lang 'to, naku, better keep moving. Grabe, Mom, you raised me well. Woooooot!😜 Lol Sana andito ka para ako naman magpalaki sa'yo ahaha ☺
Here's one beautiful thought to ponder;
"Our life is a constant journey from birth to death. The landscape changes, the people change, our needs change, but the train keeps moving. LIFE IS THE TRAIN NOT THE STATION." #Aleph, Paolo Coelho
Here's one ugly serious - Me - kid. lol 😁
Celebrate life. Have a great June random netizen! ✋Highfive 😊
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento