Habang nagpapahinga slash tumatambay dito sa Batangas, maraming kwento na ang naibahagi at narinig. Kalokohan, tawanan, kaba habang naglalaro ng Temple run, hanggang sa pagtatanong kung papaano gagamitin ang Resurrection Wings haha, hanggang sa mga kwentong lasing at kwentong dagat dahil tunog ng alon ang nagsisilbing music namin habang nakatunganga sa napakalaking kulay blue na natatanaw namin sa aming harapan, at mga nag-sasayawang cruise ship na naka-dock malapit lang dito.
Napag-usapan ang pagbabawal na ng fishing o pangingisda sa Pilipinas. Bilang hindi naman ako nanood ng balita at hindi na rin nakakapagbasa ng dyaryo, eh wala na ko masyadong nalalaman sa mga nangyayari sa mundo. At yun na nga, bawal na daw ang pangingisda, nagsimula na rin tayong umangkat ng mga galunggong sa Tsina. Galunggong na daig pa ang adik sa kapulahan ng mata at hostes sa kabilasaan. Frozen daw dumadating dito, kaya muka silang sabre-toothed squirrel na naghahabol ng acorn sa ice age movie na na-trap sa yelo. Parang 1 million years ata dun kaya pagnalusaw na, mukha na silang nahuli ng demon monkeys sa temple run sa kalasugan. Hindi ko alam kung may mga iba pang isda na inaangkat bukod sa GG dahil sa tinatamad akong maghanap ng impormasyon sa internet. Pero nakakalungkot lang isipin na umaangkat na tayo ng isda na kayang-kaya naman dapat ibigay sana ng karagatan natin. Pero mas gugustuhin ko na ata yun, kesa sa pagdating ng panahon eh wala na talagang isdang makita sa tubig ng Pilipinas.
Kaya din naman ipinagbawal ay dahil sa kinakailangan daw ipahinga ang karagatan natin, kailangan ulit bigyan ng pagkakataon ang mga coral reef na makahinga sa mga walang-awang nagpapasabog ng dinamita habang nangingisda at walang pakundangang pagpatay ultimo ng pating at balyena na ginagawang soup at ulam. OO alam ko lamang tiyan din, pero PARANG-AWA naman, wala na talagang pinapalampas basta pwedeng kainin. Pero dahil din dyan, kaunti nalang ang natitira, at di maglalaon, WALA na talaga. TSK.
Mabuti na rin na ipagbawal na muna talaga, pero siguro dapat lang muna ring bigyan ng gobyerno ng panibagong mapagkakakitaan ang mga kaunting matinong mangingisdang mawawalan ng pangkabuhayan habang isinasagawa ang bill na ito. Pero para sa mga mangingisdang daig pa si Bin Laden sa pagpapasabog ng dagat? pwes, sa Galunggungan na lang sila pupulutin malamang. Kanya-kanyang karma lang daw yan.
Kanina din ay nagkaron ng 6.9 magnitude quake sa probinsya ng Cebu, Negros at ibang parte ng Visayas Region. TSK.TSK. Pinagkukwentuhan lang namin nung isang araw ang pagpunta sa Oslob Cebu dahil sa pagbisita ng mga whale sharks doon. Kahapon, bumisita dun si Mang Mario yung isang instructor naming kaibigan para tingnan yung sitwasyon, at binalita ngang wala silang naabutang whale shark ni-isa. Sa 14 na nabalitang napadpad doon nitong nakaraang dalawang buwan, wala silang nakita ni-isa man lang? Malamang bago pa magka-tsunami alert, alam na ng mga whale sharks na may magaganap kaya umalis na muna sila. TSK. TSK. Wala akong balita sa mga nasalanta ng tsunami pero masakit mang isipin, tao rin ang gumagawa ng mga sakunang ito, hindi kasi marunong mag-alaga at magpasalamat ang iba sa mga biyayang binibigay ng mundo, ang mas masaklap, sobrang abusado pa. Hindi lang sa aspetong pangingisda kundi marami pa. TSK.TSK. Pero ang tanong lang sa isip ko ngayon, babalik pa kaya ang mga whale sharks sa mga darating na buwan pa? :( gusto ko pa naman sila makita :(
Hindi kaya naisipan lang mag-welga ng mga galunggong kanina? TSK.
Kanina lang din, nag-Night Snorkeling kami dito sa tapat ng resort. Mga tatlong kicks palang from the shore sa mga 8 feet deep, may nakita na kaming dalawang Cuttlefish na naka-hover lang. Mga baby trumpet fish at medium-sized Puffer fish na parang naghahanap ng matutulugan. Mga 30 minutes lang pero solve na kami. Sa mata ng isang diver nakakataba ng puso ang mga maliliit na bagay na ganito, mas mukang alien o kakaiba ang itsura ng isda mas nakakatuwa dahil malamang bihira makita o dahil kaunti nalang sila. Haaay. Magiging diver pa ang magiging mga anak ko. Ang prayer ko lang, sana di na umabot sa panahon na ultimo galunggong eh maging alien at ma-extinct na. TSK.TSK. Huwag naman sana.
Pero di nga? siguro yung mga galunggong nga ang nagwelga kanina. TSK
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento