Sabado, Nobyembre 5, 2011

PHOTOGRAPHED MEMORY

I was watching Natgeo's Test your brain : Memory episode last night and I couldn't help but remember this note I wrote a year ago. This note includes a picture of two old people walking away but their shadows otherwise show the true emotions of what their hearts really feel for each other.


According to Test your brain the duration of short term memory is believed to be in the order of seconds. Generally, it holds information for only 10-20 seconds. Items stored in our short term memory tend to be discarded fairly, rapidly however. It can normally holds approximately 7 pieces of information simultaneously and new data displaces whatever is already there. Ergo, short term memory is easily lost.


But memory in general, simply put as a mental activity of recalling information that we have learned or experienced.


Like this note.


It's nice to look back to those days when we felt pain. When we felt that we were losing gravity and when life wasn't being fair to us. And then we try to compare it to our present state, when we don't remember how it felt anymore, because we feel good - now, or needless to say we feel 'really' great - now. We pursued that path we sub-consciously avoided and here, now, as we start tracing that there-to-here-track, we take pride, head-high, wearing that sweet smile, thanking time for making it easy for us to heal and replace that old self with a new one, a better one I must say :)


We never really forget things or... people. Especially those that we have learned to memorize, may it be a face, a gesture, a voice, a laugh or even a smell, such things that don't need an expert to tell us that it is true or false. We may forget people by their names, or where they live or where we have first met them. Or whatever or however we may try to simply forget a person we did wrong or they to us, we just can't, we never can, because they've already become part of that billion neurons inside our brain, that one or couple of neurons that would try to sneak in once in awhile and make us remember them.


As for me, I just intend to smile. Though sometimes I'm an inch away to missing those little things again, I'd rather painstakingly draw my attention to those 'other little things' I'm trying to enjoy at the moment. Those will always remain as streaks and echoes I guess, a constant reminder of how bad life could be sometimes. Nevertheless, life knows how to make it up big time in a lot more ways than one :)


While in some of Test your brain's activities where I deliberately participated haha and surprisingly made few correct answers, it's a shock to realize that 'my memory doesn't really suck that much.' Yeah!!! Akala ko kasi malapit na kong maging goldfish, buti nalang!!! :)))

Biyernes, Nobyembre 4, 2011

10,227 SUNSHINES

Umulan na naman ng kaarawan ko. Sanay na ko. Buti nga hindi bagyo. At nasa trabaho na naman ako, sanay na din ako, dahil simula ng nag-umpisa akong magtrabaho, hindi palusot ang birthday para umabsent. Pero okay lang wala naman akong balak magpa-party o maglamyerda dahil naka-schedule na next weekend. Panibagong pangarap na matutupad na din sa wakas :))) Ang aking DISNEYdreamLAND :) Yes, that child always remains with me. Madalas naman akong napapagkamalang bata, hindi lang dahil sa maliit ako at mukha akong 12 haha, pero dahil para akong bata kumilos madalas kahit na feeling ko eh matanda na ko hahahaha. Ang labo parin?! Hindi naman mawawala yun, masayang maging bata.


Hindi ko masasabing sobrang saya ng aking 28th birthday kahit na nagkamali ng number ang aking Alagang Kapatid family eh ayos lang. Pa'no kasi 27 ang nakalagay sa cake hehe. At kahit na din alam ko na magbibigay sila ng surprise eh okay na din. Maraming salamat :) Sa mga greetings lang sa FB eh masaya na ko, hindi naman ako mahirap pasayahin. Kung may nagbigay nga sa'kin ng Snickers? siguro maiiyak ako hehe.


Nakakatuwa lang isipin na ang daming dumagdag sa buhay ko ngayon maliban sa edad. Ang daming bagong mukha, meron pa nga hindi ko naman sobrang close eh binigyan pa ko ng pasta. Tingnan mo nga naman oh, yung mga ka-close ko nga wala "Happy Birthday lang" ano ba naman yan? hahahaha.


Sinalubong ko ang birthday ko - na naman- sa gitna ng trabaho. Nakakalungkot na kahit papano eh masaya din naman. At least productive ako ng kaarawan ko, hindi pa ko gumastos :) Hinatid pa ko ng mga kaibigan ko papasok at biruin mo pati pauwi. Sana lagi ko nalang birthday para libre ako palagi sa pamasahe.


Wish? Hindi ko nga alam kung ano ba ang wish ko? Nung nag-blow ako ng candle sa AK cake kung ano lang yung pumasok sa isip ko, yun na yung winish ko. Actually hindi nga wish kasi nag-thank you lang ako para sa lahat ng taong sumurpresa sa'kin nung gabing yun sabi ko sana i-bless sila dahil naalala nila ko. Wish ba yun? Parang hindi siya para sa'kin? hahaha. Ang labo parin?!


Sabi nga nila "When it rains, you're gonna get wet" char! 'it pours' :) dami lang blessings ngayon and i'm super-duper thankful. Hindi ko makuhang magreklamo kahit na sa gitna ng umaga eh may nangungulit sa'kin para sa isang raket eh ayos lang. Napaka-enggrata ko naman kung sakali man. Kaya habang marami, GO lang! :))) Hindi ko tatanggihan kung kaya ko naman. Alam ko kung papaano mawalan, kaya sobrang na-aapreciate ko pag-meron at maraming meron kaya pasok lang, bukas ang aking pinto para sa marami pang blessings at alam ko marami pa, kine-claim ko na :)))


Alam ni Lord kung gaano ko na-appreciate ang 10,227th day ko. Kahit wala masyadong ganap, ayos lang. The mere fact na tumuntong na naman ng isang hakbang ang orasan ko at humihinga pa ko eh marami ng dahilan para ipagpasalamat.


Ang hirap i-sum up ng mga nangyari sa buong 27 years ng buhay ko. Ang mga natutunan ko sa mga paulit-ulit na pagkakamali, ang mga nakasama ko, ang mga naka-away ko, ang mga naging ka-trabaho ko, ang mga napuntahan ko, ang mga bago kong nakilala, ang mga bago kong ginagawa at ang mga bago kong ginugustong gawin at madami pang naiisip sa buhay. Pero sa lahat ng mga naging bago, ito parin naman ako. Marami pa rin ang nag-stay sa aspeto ng pagiging AKO.


Kahit na maraming lumang tao ang wala ngayon sa tabi ko, which makes me really sad. Binabalanse lang daw ng panahon ang buhay ko. Oo, ganun kabilis magbago ang panahon, parang kahapon lang nung nakaraang birthday ko at ngayon biruin mo 28 na ko? Ilang taon nalang at mawawala na ko sa kalendaryo. Pero kung iisipin ko madami man ang mga nasayang kong panahon tulad ng pag-aaral ng matino at relasyon? Ayokong magsisi dahil wala namang point na para pagsisihan pa. Hindi siguro AKO ngayon kung nagawa ko lahat ng mga dapat noon.


Everything happens for a reason. Lahat naman tayo eh naniniwala jan.


Kung bakit single pa rin ako? tanong ko rin yan? Wala pa rin nagtatangkang dumamay sa mga kabaliwan ko sa buhay. Marami pa daw kasi ako kailangan i-fix sa sarili ko at siguro marami pa ding inaayos sa buhay ang lalaking makakasama ko para tulungan din akong ayusin ang mga dapat ayusin sa sarili ko at siya na din siguro para magkatulungan kami.. hahaha ang labo parin?! Ewan ko, hindi ko naman priority yan, kahit na ayaw maniwala ng mga nakapaligid sa'kin. Bilang mag-isa lang daw ako eh kailangan ko ng kasama sa buhay. Hindi ata ganun yun. Hindi lang ata dapat dahil lang dun. Tanong ko din sa sarili ko kung kelan ko ba masasabi ang mga katagang "You complete me!"? Ewan ko din. O di naman kaya eh kelan ko ba maririnig ang "The world as I see it line na kinakanta sa'kin o kaya tulain nalang sa'kin kung hindi man siya marunong kumanta?" hahaha. Ewan ko din. Malay mo sa 11,000th day ko eh bigla nalang sumulpot yan. Mas excited pa ata ang mga kaibigan ko kesa sa'kin. Kulang nalang eh tuksuhin ako sa may asawa magkaron lang ako ng malisya hahaha. Ang labo parin?!


Bahay? sana makamit ko na ngayong bagong taon ko. Ito ata ang mas kailangan ko :) Yung masasabi ko talagang AKIN.


At ang magandang buhay, alam ko malapit-lapit na din ako diyan. Nasa limbo lang daw ako ngayon ng "magandang buhay", hindi ko lang siguro ma-appreciate o matawag talaga na maganda dahil sa sobrang dami ko pang gustong gawin, pero sa simpleng pananaw, maganda-ganda naman ang buhay ko, ayokong magcompare, pero base lang sa mga tinatamasa ko ngayon, hindi lang sa kasaktuhan sa pera na minsan ay sobra pa pero sa kasaktuhan na din sa kasiyahan sa buhay. Simple lang naman talaga ang mga pangarap ko kaya madali akong mapangiti ng buhay :)


Thank you Lord sa panibagong bilang, patunay lang na binibigyan mo naman ako ng panibagong project para gawin ang aking ika-dalawamputwalong pelikula. Hindi ko mapapangakong magiging blockbuster hit pero isa lang ang sigurado...


hindi ito magiging flop! And I will continue to shine!!! Yeyz!!!